Chapter 6

238 6 2
                                    

Monday

Hayst, natatamad akong pumasok! Medyo mataas na ang araw pero hindi pa rin ako bumabangon sa higaan ko. Ayaw kong pumasok.

"BUMANGON ka na dyan. May pasok pa tayo," sabi ni Cameron. Galing sya sa cr na malamang ay naligo na.

Nagtalukbong ako ng kumot.

"Hindi ako papasok."

"At bakit?"

"Wag ng maraming tanong. Umalis ka na lang!" Singhal ko. Wala akon narinig na response.

Whew...umalis na siguro----

"Ibalik mo nga yang kumot ko!" Iling lang sya ng iling habang hawak ang kumot ko. Nakangisi sya sa akin.

"Sabihin mo muna ang rason mo kung bakit hindi ka papasok." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tinatamad akong pumasok, ok? So akin na yang kumot ko at inaantok pa ako." Lumapit sya sa akin.

Akala ko ay ibibigay nya na sa akin ang kumot pero nagkamali ako.

"P-put me down!" Singhal ko ng kargahin nya ako bigla na parang isang sakong bigas. Ipinasok nya ako sa cr.

"Maligo ka na! I don't want to be late---"

"Edi umalis ka na---"

"Maliligo ka o papaliguan kita?" Seryosong tanong nito sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Gago sya ah... Napangiti ako ng may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Bakit Mr. Bully slash my soon to be husband, gusto mo na ba makita ang katawan ko?" Ngising tanong ko dito.

Hindi sya nagsalita. Bakas sa mukha nya ang gulat. Pumula rin ang tenga nya. Hahaha, ang itsura nya!!!

Tinalikuran nya ako.

"Hihintayin kita sa labas," Ani nya sabay lakad palabas.

Napasimangot na lang ako. Hayst...natamad nga akong pumasok!

***


"Si Cameron oh."
"Wait...bakit sila magkasama ni nerdy?"
"Balita ko break na daw si Cameron at Stacey."
"Baka sya ang pinalit nya kay Stacey. Hahaha"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad kami ni Cameron papuntang classroom.

Hayst...isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumasok eh. Ang daming bullies.

Natatakot ako...natatakot ako na baka mapatay ko sila bigla pag hindi ako nakapagpigil.

Hahaha...joke lang!

Kita ko sa peripheral vision ko na papalapit sa amin ni Stacey.

"So sya na pala ang bago mong laruan. Ang cheap mo naman!" Ani nya kay Cameron habang nakaturo sa akin ang daliri nya.

Baliin ko yan eh!

"Who care's?" Balewalang Tanong ni Cameron dito.

"Hindi ko alam na mga tulad nya pala amg mga type mo," ani pa nito.

Aalis na ba ako? Hindi naman yata ako kasali dito eksena nila.

Tumingin sa akin si Cameron sunod kay Stacey.

"Hindi ko alam na kailangan mo palang malaman yun," Malamig na ani nito.

Lumapit sa akin si Stacey. Hindi nya siguro matalo si Cameron kaya ako ang pupunteryahin nya.

Being His Property Where stories live. Discover now