PROLOGUE

46 8 1
                                    

HEAVEN X GABRIEL

Penmansix

This is a work of fiction. Work by mine. Work by my mind. Work by Makata Penmansix Hail, with the help of my heart and soul.  The characters name, characters behaviour, places and events are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Ngayon palang, I want to apologize to all typo graphics and wrong grahams(grammar) in this story. Salamatunon sa pag-intindi(Thank you for understanding)

An original story by Makata Penmansix Hail.

PROLOGUE
"ARAY PAPA TAMA NA PO HUHUH. TAMA NA PO! TAMA NA PO HUHUHU TAMA NA PO HUHUHUHUHU TAMAAA NAAAA POOOO HUHUHU" paulit-ulit kong sinisigaw ang mga katagang iyan habang umiiyak at napapahagulgol dahil sa sakit na aking nararamdaman. Pero kahit anong pilit ko at pagmamakaawa ay hindi niya ako pinapakinggan. Masakit na masakit na ang katawan ko dahil sa mga paulit-ulit niyang palo na sobrang lakas,na nag-iiwan ng bakas, at putla sa mapuputi kong balat. Gamit ang senturon niyang mahaba't makapal ay muli niya itong inilutang sa ere at iwinasiwas upang ihanda sa pag-uulit niyang pananakit na gagawin sa akin.

Nakaramdam ako ng kakaibang ihip ng hangin bago ko pa naipikit ang aking mata sa pag-aakalang iwawasiwas at lalagtakan niya na naman ako ng masasakit na palo. Tanging paghikbi ko lamang ang naririnig ko sa aking buong kuwarto. Ang nang-iinit at nanginginig kong katawan ay binalot ng malalamig na yakap mula sa malalamyos na hangin na nagmumula sa siwang ng aming bintana. Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha galing sa aking mga mata. Magkadaop ang pareho kong kamay habang taimtim na nagdarasal at humihiling sa Diyos na sana maging mabait ulit si Papa at hindi na manakit ng kaniyang kapwa. Mabait siya noon at laging nakasuporta sa mga desisyon ko kagaya rin ni mama pero nagbago lahat iyon dahil sa isang bagay. Isang bagay na dahilan kung bakit nasabi kong nag-iba siya.

Makalipas ang ilang oras ay naramdaman ko na hindi pa rin dumadapo sa aking katawan ang hinihintay kong palo galing sakaniya. Dahil sa aking natatanging kuryosedad ay maigi kong binuksan ang dalawa kong mga mata na natatabunan ng mapupula at mauugat kong kamay. Bumulaga sa akin ang nanginginig, nangngingitngit, nakakatakot at galit niyang mukha. Labis ang naramdaman kong takot dahil dun pero kaagad rin iyong naglaho ng makita ko ang kamay niyang halatang may pumipigil  sa nais niyang gawin....pero hindi mo makikita kung sinong nilalang ang pumipigil sakaniya. Taka ang bumalot sa mukha ko instead na takot. Hindi rin maipasok at maproseso sa utak ko, ang kakaibang nangyayari sa pagitan namin ni Papa.

"Umalis kana hangga't kaya ko pa siyang pigilan"

Isang nakakakilabot na bulong ang narinig ko dahilan para magtayuan ang aking mga balahibo, kasama na ang pússy hair ko na hindi ko pa nasi-shave;). Echosss!!!! Napatayo rin ako kaagad at masusing nagpalinga-linga pero wala akong maaninag kahit na ni anino ng hayop,bagay o ng tao.

"Sino ka?" bulong at paglalakas-loob kong tanong sakaniya kahit alam kung imposibleng sagutin niya ako. Hallucination ang unang pumasok sa utak ko pero kaagad rin iyong nabura at napalitan uli ng kilabot ng muli kong marinig ang kakaiba at nakakakilabot na tinig ngunit pabulong uli nitong tugon.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon"

Napaisip ako kung susundin ko ba siya...pero 'yun ang alam kong mas tama. 'Yun ang alam kong mas makabubuti. Napagdesisyonan kong umalis pero bago ako makalabas ay muli kong tiningnan si papa. Hindi ko napigilan ang panunubig ng aking mga mata dahil sa sitwasyon naming dalawa. Hindi na siya 'yung dating papa na nakilala ko!

"I love you pa?! Mag-iingat ka lagi ah?! Iiwan na kita at sana pagbalik ko magbago kana" sinabi ko iyon ng diretso sakaniya. Sunod-sunod na pumatak ang butil ng aking mga luha dahil sa kirot na aking nadama. Iiwan ko siya dahil iyon ang maaari. Isang himala ang nakita ko sa mga mata niya dahil napagmasdan ko rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Paalam pa!" huli at nakangiti kong binigkas sakaniya bago ako tuluyang kumaripas ng takbo palabas. Hindi ko na inintindi ang sakit na nararamdaman ko. Iindahin ko na lang ito at magiging manhid kahit ilang minuto.

HEAVEN X GABRIEL (ON-GOING)Where stories live. Discover now