CHAPTER FOUR

5 2 0
                                    

HEAVEN X GABRIEL

Penmansix

CHAPTER POOR( IKAW AT AKO)

Nandito kami ni Daemon ngayon sa terrace ng dorm namin. Nakapangalumbaba kaming dalawa sa railings ng teresa habang nakaupo sa tig-isang mono block chair. Breathtaking! Napakaganda ng tanawin dito. Kitang-kita mo dito ang lahat-lahat. Dagat. Langit. Bahay. Puno at Marami pang iba.Masusubaybayan mo rin dito ang paglubog at pagsikat ng araw o buwan. Perpekto! Magkasama namin ngayong sinusubaybayan ni Daemon ang maliwanag at napakagandang buwan. Ganda! Tutok na tutok kaming pareho sa nakakaakit na moon! Attractive!

"Ang ganda ng buwan noh?!?..." bumaling ako kay Daemon pansamantala ng maramdaman kong nakatingin siya akin. Binigyan ko siya ng aking mamahaling genuine smile ng mahuli ko siya sa aktong pagkakatitig sa akin. Masaya lang ako! Enebe! Ngiti ko lang sapat na!

"Oo! Hindi siya nakakasawang tingnan" nakangiti rin nitong sagot habang walang kurapan na nakatingin sa akin. Kung ice cream lang siguro ako kanina pa ako tunaw dahil sa paraan ng pagkakatitig sakin ni Daemon. Matiim! Sana I cream nalang ako! Pwede mong dilaan! Pwede mong titigan! Echoss! "Parang ikaw? Hindi nakakasawang pagmasdan araw-araw".

Halos magparty-party ang puso ko dahil sa malakas na pagtambol nito! Ansarap sa tainga ng binitawan niyang mga kataga pero mas nasarapan siguro ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil naglikot ang mga ito. Butterfly stay silent! Manahimik kayo! Hindi ko alam kung mapula na naman ang pisngi ko katulad ng kamatis na hinog pero mukhang mapula nga dahil nararamdaman ko ang pang-iinit ng aking mukha.Blush pa! Kakaiba at hindi maipaliwanag na saya ang lumukob sa buong pagkatao ko. Kiliti! Basta isa lang ang nasisigurado ko sa lahat. Kinikilig ako! Keleg ke ren?

Tiningnan ko siya at kunot-noong sinalubong ang mga tingin niya. Kahit ganiyan ang itsura ko sa harap mo, don't worry kinikilig padin ako! Sobra! I smile ng makita kong muli ang maaliwalas niyang mukha. Nakakahalina!

"Ilan kaya ang bituin noh?" pag-lilihis ko ng usapan. I hate awkward moment kasi! Tinanong ko 'yun sakaniya habang nakatitig ako sa mga bituin at umaasang mabibilang ng aking isip ang kanilang pagningning! Binalingan ko si Daemon ng marinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga. Tumingin din ito sa mga bituin at sinagot ang tanong ko ng nakatingala kaya ganun nadin ang ginawa ko. Same vibes!

"Marami sila"

"Gaano ba karami?"

"Kagaya ng pag-iiba mo ng usapan kapag bumabanat ako sayo"

Malungkot nitong sabi. Napapansin niya pala 'yun? Eh sa nahihiya nga ako kaya umiiwas ako sa mga pakilig niya! Masama ba 'yun? Alangan maglumpasay at mangisay ako sa harap niya. That's embarrassing! Gross! Tamang iwas lang naman ang ginagawa ko para hindi mahalatang kinikilig ako. Mali ba 'yun? Tell me guys! Is it wrong? Is it bad? Katulad ng sabi niya, linihis ko ulit ang usapan! Ayaw ko mabuking noh! Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Bahala siya! Snob ako!

"Kung may pagkakataon na magiging  bagay ka, anong gusto mo?"

"Ahmm" may pag-aalangan sa malungkot nitong boses pero sinagot niya parin ang tanong ko. Good boy! Nice! "Gusto kong maging puso! Human Heart!"

"Bakit naman gusto mong maging puso?" taka kong tanong sakaniya. Usasera ako aroba! Walang pakialaman mga mare! Mind your own monkey business!

"Para maramdaman kung mahal at pinapahalagahan din ako ng isang tao" tila may pinanghuhugutan nitong sagot na kaagad ko namang ikinakunot noo. Broken ka tay? Tsk.

"Kung ano-anong pinagsasabi mo. Batukan kita diyan. Anong problema mo?" nanggigigil kong saad sakaniya. Matiim ko rin siyang tinitigan! What's the matter boy?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEAVEN X GABRIEL (ON-GOING)Where stories live. Discover now