Chapter 6

64 5 0
                                    

WALANG kakaiba sa text ni Ali kay Cent. It's just a text message requesting him to drop her stuff off at her condo, if possible, that Sunday afternoon. Wala naman kaso dahil doon din naman ang daan niya pauwi kaya mabilis ang sagot niya ng "Ok. Sure."

I'll be waiting, she said in her text.

Ang unang imahe na pumasok sa utak niya ay si Ali na naghihintay sa kaniya suot ang isang sexy na lingerie.

And that made him smile.

Alam niya na walang ibig sabihin si Ali sa text niya. Sadyang malikot lang ang imahinasyon niya, lalo at sariwa pa sa tulingan na ginataan ng nanay niya ang nangyari sa kanila noong Biyernes ng gabi.

"Ang ganda ng ngiti ng binata ko ah.", puna ng Tatay niya. Sumunod pala ito sa kaniya sa sala. "Makikilala ko ba sa mga susunod na linggo ang babae na iyan?"

" 'Tay naman. Natawa lang ako sa text ng tropa ko." Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng khaki shorts niya. Tumabi siya sa tatay niya sa mahabang sofa. Mula nang maghiwalay sila ni Andy ay wala nang ibang inaabangan ang mga magulang niya sa kaniya kundi ang pagpapakilala niya ng bagong girlfriend. Ang ibang mga magulang ayaw na magkaroon ng ka-relasyon ang mga anak. Ang mga magulang niya, hinahanapan pa siya.

" 'Wag mo nga ako pinagloloko. Alam ko ang ngiti mo na iyan, Vicente." Umayos ng upo ang tatay niya at lumapit ng upo sa kaniya. Pabulong itong nagsalita. " Ano palagay mo dito kay Tessa? "

Ah, Tessa. Petite. Maputi. Maliit ang mukha. She reminds him of Tinkerbell. Lahat maliit pero malaki ang boobs at balakang. Anak ito ng isa sa mga BFFs ng nanay niya. Maari na din sabihin na kababata niya dahil madalas ito at ang nanay nito sa kanila noong mga bata pa sila. Kasa-kasama niya ito at ang mga kapatid niya sa mga larong pambata. Lumipat ng bahay ang mga ito noong high school na sila at kamakailan lang ay bumalik sa baranggay nila. Nakabili ang kuya nito ng bahay sa may kabilang kanto kaya madalas na naman ang nanay nito sa kanila. Siyempre, may mga pagkakataon na kasama itong si Tessa. Bisita ang mga ito ng nanay niya sa family lunch nila noong nakaraang linggo.

Present ulit si Tessa minus Aling Esme ngayong Linggo. Hindi daw maganda ang pakiramdam ng huli kaya pinadala na lang kay nito sa anak ang maja blanca na ginawa niya para sa nanay ni Cent.

Paborito iyon ng nanay niya. Kabaligtaran naman siya. He finds it plain and bland. Tingin niya sa maja blanca ay parang si Tessa. Titikman kahit hindi gusto kasi... laman-tiyan.

Nasamid siya sa tinatakbo ng isip niya. Gago din talaga siya minsan.

Kaya ka nakakarma, udyok ng konsensiya niya.

Bumalik sa alaala niya si Ali at kung paano siya tinulugan nito. Worse, wala itong naaalala sa nangyari sa kanila.

Binaling na lang niya ang atensyon sa tatay niya.

" Ok naman siya 'Tay."

" Nagkausap na ba kayo ng masinsinan?"

" Puson sa puson? " He gave his Tatay a look.

" Puso sa puso! " sagot nito sabay batok sa kaniya. " Pero kung nauna ang usapang puson ninyo, hindi na din masama. Basta paninindigan mo. "

Ganoon ang Tatay niya. Suportado silang magkakapatid sa kung anuman ang desisyon nila sa buhay. Laging kasunod ang "Basta panindigan mo."Sa tatay niya siya natuto na tama man o mali ang desisyon mo sa buhay, kailangan marunong ka manindigan sa naging desisyon mo. You have to see it through and take responsibility for your actions and its consequences.

" Vic, aalis na si Tessa. " Kasama ng nanay niya si Tessa na lumabas ng komedor.

" Salamat sa pagdalaw at sa dala mo, Tessa. " Tumayo ang tatay niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spiked Lemonade - Flavors Series 5Where stories live. Discover now