Chapter 5

148 5 7
                                    

Umiiling na inilapag ni Cent ang cellphone sa center table sa harap niya. Kakatapos lang niya mag-text kay Ali tungkol sa naiwan nitong mga gamit sa kotse niya.

She does not know a thing.

Gusto niya mainis dahil parang naloko siya nito. Buong akala kasi niya kagabi ay alam pa din nito kung sino siya at kung ano ang ginagawa nila.

Pero sa tono at pananalita nito kaninang tinawagan niya ito, mali ang akala niya. Okay na din siguro iyon dahil kung alam ni Ali ang mga nangyari sa kanila kagabi, baka hindi na siya kausapin nito.

Just like several years ago.

He shifted and laid down on the sofa before turning on the TV to see what's on Netflix. His mind was on last night's events as he flicked across various movies and TV series.

Kung kelan nasa alanganin siya na sitwasyon ay saka sumulpot ang kursonada niya na waitress sa Flavors. Nauwi sa paghingi ng tubig at pamunas ang nauna niyang plano na hingin ang number nito. Inalalayan nito si Ali paupo sa malapit na upuan habang naging busy siya sa paglilinis ng sapatos niya.

Humingi din siya ng maligamgam na tubig dito para kay Ali. Nakabalik na ito ay nililinisan pa din niya ang sapatos niya.

Sinabihan niya si Ali na uminom ng maligamgam na tubig para mainitan ang sikmura nito kahit paano. She kept apologizing in between sips. Tinawag pa nga siya sa bansag sa kaniya noong college days nila: 50Cent. Kaya naisip niya na hindi pa ito ganoon kalango sa alak. Baka nga nahimasmasan ito kahit paano kasi ang dami nitong sinuka.

Tinanong niya si Ali kung paano ito uuwi. Magga-Grab daw. Inisip niya na delikado naman sa lagay nito ang bumiyahe nang mag-isa kaya nagpumilit siya na ihatid ito.

Nang maayos na siya, inalalayan na niya si Ali papunta ng parking lot. Umangkla ito at todo hilig pa sa braso niya habang naglalakad sila palabas ng Flavors. Hindi naman niya binigyan ng malisya ang ginawa nito pero nagulat siya na biglang parang matagal na silang magkaibigan ang akto nito sa kaniya. Thinking back, that should have tipped him off that Ali is still as drunk as she was before she threw up.

But he was too occupied being pleasantly surprised when she congratulated and praised one of his recent works to notice she was acting out of character.

Nakakagulat man ang pag-abrisyete ni Ali sa kaniya, hindi naman ito kakaiba. Ganoon iyon kapag nakainom. Lahat nagiging kaibigan niya. Everything Ali did last night was typical of her when she's had one too many drinks: going around, smiling and touching everyone like she's some social butterfly. She dances around, even without music, which she did last night too.

Huminto sila ng ilang minuto sa may gilid ng dance floor dahil tumugtog ang Sucker ng Jonas Brothers.

"This is my favorite jam!" sigaw nito sa kaniya bago sinabayan ng kanta at sayaw ang paborito daw nito na awitin.

Ang normal na Alisandra Paez ay hindi mag-iisip na mag-slow twist habang kumakanta. This version of Ali is so like her when she's had a few drinks.

A few drinks.

What was happening and happened afterwards should have made it clear to you she has had wayyy more than a few, but you were just having too much fun too, weren't you?

Guilty as charged ang sagot niya sa konsensiya niya na kanina pang umaga bumabagabag sa kaniya.

Hindi na sila dapat huminto pa sa dance floor. Dapat ay dumiretso na silang lumabas papuntang parking lot.

Napansin din naman niya na tumatagal na sila doon kaya inawat na niya si Ali sa pagsasayaw. Hinatak niya ito palapit sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang pagpulupot ng mga kamay nito sa leeg niya, gumigiling-giling ang balakang nito habang pabulong na kumakanta.

Spiked Lemonade - Flavors Series 5Where stories live. Discover now