Chapter 4

94 4 7
                                    


Newton's Third Law of Motion: For every action, there is an equal and opposite reaction. Sa madaling salita, lahat ng desisyon natin sa buhay, may kahihinatnan. Bawat kilos, bawat salita, may katumbas na reaksyon.

Not a lot of people might know the Third Law of Motion, but everyone, Ali included, know that every action we take has a corresponding consequence. Alam niya ang maaaring mangyari kapag nalasing siya: hihina ang balanse niya, sasayaw siya mag-isa kahit walang tugtog, tatawa siyang mag-isa, tatawanan niya ang sarili niya dahil tumatawa siya mag-isa, susuka sa kung saan.

At sa kaso kagabi, susuka sa kung kanino.

Nalukot ang mukha niya nang maalala kung sino ang sinukahan niya kagabi. Sa dinami-dami ng tao sa Flavors na pwede niyang bugahan ng nginuya niyang pagkain, si 50Cent pa.

Sumandal siya sa pader ng elevator at mahinang napaungol dahil sa sakit ng ulo niya. Mabuti na lang at siya lang ang sakay nito. Baka kung ano pa maisip ng mga kasabay niya.

Isa pa itong pananakit ng ulo niya. She knows full well hangovers are the most natural consequence to drinking too much. Hindi man niya naranasan ito masyado noong kasagsagan ng pagiging lasinggera niya noong nasa kolehiyo siya, iba na ngayon. Madalang na siya uminom. Hangga't maari nga ay iniiwasan niya.

Naturalmente, iba na ang tama ng alak sa kaniya.

Bumukas ang elevator. Lulugo-lugo na lumabas siya at tinungo ang condo unit niya.

Ganoon naman eh di ba? Madalas, kahit alam na natin ang kahihinatnan ng ginagawa natin, tinutuloy pa din natin. She knows she and alcohol don't mix well, but she still drank last night with no thought to any of the consequences.

Kasi nga masarap.

Kaya eto siya ngayon, trying hard na masarapan sa sakit ng ulo niya. Pero hindi niya talaga keri.

Kung nagmumura siya, napamura na siya pero hanggang "syett" lang kaya niya. Kaya kanina pa niya naiisip "Syett. Syeettt. Syeeeetttt. Ang sakeeeettttt."

Binuksan niya ang pinto ng unit niya. Hinubad ang suot na wedges at agad na iniligay ang mga ito sa shoe rack sa tabi ng pinto. She made sure her door was locked before throwing her bag on the only couch in the room.

Dumiretso siya sa banyo para kumuha ng pain reliever sa medicine cabinet doon pagkatapos ay nagtuloy sa katabi na kusina para naman kumuha ng tubig na panulak.

Bago sila umalis kanina ni Ames ay uminom siya ng pain reliever. The cold shower she took before dressing up to go out also helped with the pain along with the coffee she had when they started brunch. The medicine's effect lasted just long enough for her to have a few good hours with her friend before the headache came back in full force.

Mabuti na lang at sa kalapit na mall lang ng condo niya sila gumala ni Ames kaya madali siya nakauwi.

Bumalik siya sa maliit na sala pagkatapos uminom ng gamot. Humilata siya sa hot pink na sofa, kinuha ang phone sa bag at nagpadala ng text message kay Ames. Ipinikit niya ang mga mata nang makita na na-send na ang message sa kaibigan. Huminga siya nang malalim at hinintay na umepekto ang gamot.

Her mind drifted to recent events as she settled in and started to relax. She frowned when she remembered how frazzled Ames was when she went to pick her up before noon today. Parang may palaisipan na hindi masagot-sagot ang kaibigan niya. Sigurado siya na hindi iyong vlog ng model ang pinoproblema ni Ames. Hindi ang mga ganoong isyu ang binibigyang-pansin nito. Ali tried to worm it out of Ames but she wouldn't spill.

She knows Ames enough not to push.

Hindi naman sa masikreto si Ames. Hindi lang talaga ito madaling mag-open ng mga bagay na bumabagabag dito.

Spiked Lemonade - Flavors Series 5Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα