Hindi na maalala
Kung saan ka unang nakita
Ngunit naalala pa
Kung paano ako sumayaSa tuwing ika'y nakikita
Iisa lang ang nararamdaman
Pagmamahal na walang katapatSa tuwing ika'y papalapit
Puso'y hindi mapakali
Hindi mawari ang dahilan
Bakit iyon nangyayariNgunit katulad ng kanilang kasabihan
Walang nagtatagal
Lahat ay kasinungalingan
At ako'y nagpadala
Sa pagmamahal mong walang kasiguraduhanSa dami ng dahilan sa mundo
Bakit iyon pa?
Sa dami ng lalaki sa mundo
Bakit ikaw pa?
Bakit mo iyon nagawa?Hanggang ngayon
Hindi mahanap ang rason
Sa pag-ibig natin na may lasonKung ika'y bibigyan ng tula
Ito'y magiging walang pamagat
Sapagkat walang saysay
ang pinadama mong pagmamahal