Kayanin Mong Lumisan

10 6 0
                                    

Sa isang tulay na dinaanan ko
Ikaw ang unang nakasalubong
mundo ko'y tumigil sa pag-ikot
Hindi na ako nakaramdam pa ng lungkot

Buong buhay ko, akala ko ako ay sinumpa
Pero hindi na noong nakilala kita

Pangalan mong nasa aking talaarawan
Mukha mong bagay sa larawan
At mga kasabihan mong nasa pahina
Ang tanging nagbibigay sa'kin ng lakas

Nakikita ko pa rin
tayong dalawa sa salamin
Pero bakit may nawawala
na mahalagang damdamin?

Nandito ka nalang ba
Dahil ayaw mong umalis?
o
Nandito ka nalang
Dahil naaawa ka sa akin?

Una pa lamang
Alam kong darating ang araw na ito
Pero hindi ko inaasahan
na hindi mo kakayaning sabihin ang totoo

Madaling sabihin na mahal mo ako
Pero mahirap tanggapin kung alam kong hindi kana sigurado

Mukha mong naka-ukit sa aking isipan
Pangalan mong nakasulat sa aking talaarawan
Sana kinabukasan
Ay wala kana sa tabi ko
Tanging hiling ko nalang
ay kayanin mong lumisan para sa sarili mo

2021.Where stories live. Discover now