Para Sa Iyo Ulit

8 4 0
                                    

Pagod na ako
Pagod na akong gustuhin ka ng palihim
Pagod na akong alamin na kahit kailan hindi ka magiging akin
Pagod na akong umasa na kahit isang beses lang ako din ay mabibigyan ng pansin

Kakaiba ka
Hindi ka katulad nila
Kaya siguro ikaw ang nakatira
Sa puso kong nangungulila

Nahihirapan ako
Dinggin ang hinaing ko
tungkol sa iyo
Tinuring kang mundo
Ngayon, paano na ako?

Hindi ko alam
kung ilang beses ko ito sasabihin
kung ilang beses ko ito iisipin
Ngunit, ngayon ang mga katagang ito
ay siguradong para sa atin
Hinihiling ko,
na sana'y mapuno ng ligaya at ngiti
ang kalangitan at puso mo—
na aabot hanggang sa huli.

Sana sa isang iglap
ay magbago ang lahat
Para kahit sa isang pikit
Hindi na matatakot pang dumilat.

2021.Where stories live. Discover now