Pakiramdam Ko

12 8 0
                                    

Para bang isa akong sirang makina ng sasakyan
na pinipilit ayusin upang makaurong
Para bang isa akong maliit na tao
Na pinaliligiran ng mga higante dito sa mundo na bilog
Para akong nasa isang masikip na kwarto
kahit malawak ito
Pakiramdam ko ay mag isa lang ako
Dito sa mundo

Tila ba parang akong pinunit na papel
at nasa sahig na dapat alisin
Tila ba parang wala akong nakikitang liwanag
Dito sa mundong madilim

Pakiramdam ko ay tao lang ako
Tao na walang silbi
Tao na may mahinang pakiramdam
Tao na dapat alisin

Sa tuwing ako'y matutulog
Patak ng luha ang nararamdaman
Kahit na hindi alam anong dahilan
Ngunit ang pakiramdam ko
Walang nakakarinig sa aking tinig
Walang nakakabasa ng aking isip
na nahihirapan din

2021.Where stories live. Discover now