[2]

1 0 0
                                    

I can swim so I can't understand why I thought of going here

Binabalanse ko ang sarili ko habang lakad-balik sa railings ng tulay.

Halos tuyo't na ang ilog, puro mga bato at damo na ang nakikita mula dito sa taas.

Malamig ang simoy ng hangin at walang tao sa paligid.

Masyadong tahimik, masarap magpakaisa

"Ang galing mo magbalanse" biglang salita ng kung sino mula sa malayo.

Dahil sa biglang sulpot ng tao ay nabigla ako at nawalan ng balanse

"Tsk, sayang" ani ko ng hinila nya ako papunta sa side ng kalsada.

Nang mag-angat ako ng tinggin namukhaan ko agad ang taong humila sakin.

Kita mo nga naman marunong pala syang tumulong. kala ko mas gugustuhin nya ako mamatay.

"bakit mo ko hinila? at bakit ka nandito sinusundan mo ba ko?" tanong ko.

Hindi ko alam kung bat nandito siya, kung anong ginagawa nya dito at kung ano meron sa kanya.

Pero sa lahat ng pagkakataon ba't ngayon pa.

"hmm wala lang tinitignan ko lang kung pano ka mag re react" sagor niya.

"hindi ako magpasalamat dahil niligtas mo ko, mas lalong di ako magpapasalamat dahil ikaw ang may kasalanan kung bat nawala ang balanse ko" mahabang reklamo ko.

"sabagay nakaka panghinayang nga naman pag di natuloy ang balak"

"Wala naman akong balak magpakamatay tinignan ko lang kung ngayon ba ako mamamatay" totoo yun tsaka mas prefer ko mamatay sa building magvi viral pa ako nun.

The GenzaiWhere stories live. Discover now