[ ]

0 0 0
                                    

.

Cinestel anak?

'naririnig mo ba ako?' tanong ng kung sino.

"cinestel imulat mo na yung mata mo please anak" umiiyak niyang sabi.

Pinakiramdaman ko ang sarili.

Sinubukan kong galawin ang aking daliri.

"pa! Sabi sayo gumalaw ang daliri niya!" natataranta niyang utal.

"hintayin muna natin magmulat siya ng mata ha! ma?" galing naman sa boses ng isang lalaki.

Maya maya ay tumahimik na ang paligid.

Walang boses ng kung sino.

Minulat ko ng biglaan ang aking mata.
Masakit man sa paningin at masilaw. Pilit ko inaaninag kung nasaan ako.

Nasa loob ako ng kwarto. Hospital room sa tingin ko.

May mga aparatus na naka kabit sa akin.

Binunot ko ito para maka silip sa bintana.

Mukhang tama ako, nasa ospital nga ako.

Halos kalahating minuto na ako natayo doon ng bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang babaeng gulat at naiiyak. Sa tabi nito ang lalaking nakangiti mukhang masaya.

Hindi ko sila kilala.

Pero nagpakilala sila bilang mga magulang ko.

Pero wala akong magulang.

Pumasok din ang mga doktor at nurse. May mga itinatanong sila sakin pero karamihan ay. hindi ko alam.

"pwede ka nang makauwi next monday cinestel. Mommy, Daddy pwede ko ba kayong maka usap sa labas?" mabait na ani ng doctor.

Ng lumabas sila inasikaso ako ng nurse, inaayos niya ang higaan ko para mas maging komportable ako.

"pindutin mo lang ito pag maynararamdaman kang kakaiba ha" turo niya sa. Tanging tango lang ang ginawa ko

Aalis na sana siya ng hinila ko ang dulo ng uniform niya.

Hinirap niya ako ng nakangiti.

"pariham ng handphone mo" ani ko.

Gulat man ay inabot niya padin ang handphone niya.

Binuksan ko ang camera.

Madaming nagbago sa mukha ko. Humaba din buhok ko.

Wala na ding emosyon nakikita sa mukha ko.

Nang tingnan ko ang date halos mahampas ko ang nurse sa gulat dahil ang tagal kong na palang tulog.

...

"dito ang kwarto mo anak, sabihin mo lang pag may kaylangan ka" nakangiting paalam ng ina.

Pagpasok sa loob ng kwarto dumiretso agad siya sa higaan at ipinikit ang mata.

...

'oo nga kanina! Di mo kase nakita kase diba naka angkas siya sa likod tas di pa sya nakakapit tas biglang andar ni jude kaya muntik na bumaliktad si matt gago lt di ka kase tumingin! HAHAHA' tumawa niyang kwento.

'parang tanga kase pwede namang kumalabit lang bakit palo ka ng palo!' reklamo ko

'e ang tagal mo tumingin e!' natatawa niya sabi.

...

"kain na" tawag niya mula sa labas.

Sumunod agad ako pagtawag niya.

The GenzaiWhere stories live. Discover now