chapter 11

69.5K 1.9K 358
                                    

chapter 11

ngayon ang kasal ni Sandra at Paul.Ngayon masasabi ko nang masaya ako para sakanila.dahil sa sinabi ni Papa,mas alam ko na,hindi dapat ako maghold ng grudge kay sandra o kay paul dahil sa nangyari noon.hindi kami para sa isat isa,parang si roi..i’m happy that they become part of my life.yun na lang.

nga pala,sabay kami ni papa nagpunta dito.mas naging close kami ngayon simula nang magkausap kami.

nawala ang pagiisip ko nung sinabing maglalakad na daw at dumating na ang bride.

di ko mapigilang mapabuntong hininga,wala naman..naisip ko,si therese kasal at may baby na,si sandra ngayon at si margaux,malapit na...eto nanaman ako,iniisip kung may maghahantay kayang lalaki sa dulo ng altar sakin?may lalaki kayang mag-haharap sakin sa altar at susumpang magmamahal sa akin ng walang- ..aray!muntik na ko mapatid sa paglalakad!

nakakahiya!wala kasi ako sa sarili ko!napatingin ako sa kapartner ko para magpasalamat dahil kung hindi nya ko inalalayan,baka nasubsob na ko sa harap ng madlang people!

bago ko pa masabi ang pasasalamat ko,nalunok ko na ang laway ko..

 dahil sa hindi ko inaasahang si archie ang bubungad sakin!bakit sya ang partner ko?hindi naman sya e.hindi ko napansin na sya ang nakapartner ko.lumingon ako sa likod at nakita ko yung dapat na kapareha ko,at yung babaeng kinakainisan ko pala ang naging kapartner nya,,nagkapalit kami..

bakit ganun?

“You’re beautiful.”bulong nya bago kami naghiwalay para umupo.right side ang mga abay na girl tapos left naman ang boys.

isang tipid na ngiti lang ang sagot ko sakanya.hindi na ko nakapagsalita.bakit ganun sya.ayaw ko man aminin pero kinilig ako sa ginawa nya.sa totoo lang namiss ko na sya.huling kita ko sakanya e nung narinig ko syang nagsalita ng i miss you.

you missed him too.sabi ng isang mallit na boses sa utak ko.pinilig ko ang ulo ko kasi baka kung anong meron sa loob.

si jensen,masugid na manliligaw ko pa rin.sasabihin ko ulit, lahat na yata tlgang naskanya pero walang chemistry e..walang spark..kinikilig naman ako sa kasweetan nya pero yun na yon.ang engot ko..si jensen yung nandyan ang nanliligaw sakin pero bakit parang gusto ko si archie?e nakita ko nga syang kahalikan tong babaeng kinakainisan ko tapos iniisip ko pang gusto ko sya..naku alexia..di ka na nadala..

“ang tagal naman,i cant wait to go home!”-gwen

napapailing na lang ako sa mga reklamo nya.pero ang nakakainis e yung hinarap nya ko.

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon