chapter 17

53.6K 1.2K 75
                                    

a/n : dahil dumaan na ang new year at valentine's day,eto po ang update!wag kwyo magreklamo kung anong update kc po walang laman yung utak ko.mura lang to pag binenta kc hndi gamit!lol.sino nagpunta sa first ever Popfictionfestival sa.market!market!?Pano kung may part two?hehehehe





alexia

"hay naku,sabi ko na nga ba hndi ka nanaman nakikinig.ano bang nangyayari sayo?"paola

buntunghininga lang ang naitugon ko sakanya.ilang araw na rin ang lumipas simula nung nagkaron ng malaking pagbabago sa sarili ko.hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.Hindi nagpaparamdam si archie o si jensen,hindi ko na rin nakita si gwen.ilang beses ko tinawagan si jensen pero hndi sya sumasagot.kung anong nangyari ay hindi ko alam.gusto ko na tlga sabihin sakanya na maghiwalay na kami pero sana sa personal.

pumapasok ako sa opisina na parang wala lang.kinakausap nila ako pero tango at iling lang ang kadalasan kong sinasagot.katulad ngayon,kumakain kami.lunch break pero hndi pa rin ako makausap.hindi ako mapalagay.napag isip isip ko kasing puntahan si jensen sa resto nila..hindi ko kasi alam ang bahay nila e.sana masabi ko na agad para makahinga na ko ng maluwag.hindi naman ako umaasa sa nangyari samin ni archie.alam kong kahit mahal ko sya,hindi ko pa rin masasabing may patutunguhan kami.


nagulat ako kasi nagvibrate yung cellphone ko.text message

.kinabahan ako nung makita ko kung sinong nagtxt.si jensen..hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko.ang sabi nya lang kc ay magkita kmi sa resto later.dinner date daw.may surprise daw sya sakin.



Hindi ba ako nga ang may surprise sa kanya?ako ang makikipaghiwalay e.ano kayang surprise yun?hindi sya nagparamdam ng ilang araw tpos may nalalaman pa syang surprise?pano na to?pano ko ba sasabihing hiwalay na kami?hi jensen!break na tayo im sorry.? o pagkatapos kumain saka ko sasabihing im sorry,you deserve someone better?hindi ko na alam!ang hirap ng sitwasyon ko!

"Ano na nga?sasama ka ba next Saturday?"ang lapad ng ngiti ni paola.eto nanaman ako.hindi ko nanaman naintindihan ang tinatanong sakin.ayaw ko na sumagot agad agad ng oo o hindi.parang ganito din nung tinanong na pla ako ni jensen kung pwede nya ba akong maging girlfriend.dahil nga hindi ko alam kung anong tinanong nya.napa-oo ako nang wala sa hulog.at dun nagsimula ang problema ko.

"im sorry pao,anong sabi mo?"natawa lang sya pero inulit nya ulit.Dadating pala yung ate nya galing Canada.magpapawelcome party daw sila pao.girls only party kasi daw seloso yung boyfriend nito.ipapakilala daw nya sakin.


Napapayag nya na rin ako kasi alam ko kailangan ko ng mapapaglibangan.Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong mangyayari mamaya sa dinner namin.

*******  * * * *

archie

Pinuntahan ko si jensen sa resto nila.sinabi ko sakanyang hindi ko igigive up si lex kahit anong mangyari.Sinuntok nya ako at pinagbantaang sasaktan nya si lex pag binawi ko ang usapan namin.nagmatigas ako.sinabi kong hindi na ko papayag na magpatakot sakanya.tumawa lang sya.sinabi nyang kung gusto ko tlgang makuha si lez ay kailangan kong gawin ang kondisyon nya,iiwan daw nya si lex.kahit hindi ko alam kung anong gusto nyang mangyari ay pumayag ako.masyadong simple ang gusto nya.i know may binabalak sya.kung ano man yon ay hindi ko pa alam.Basta para kay lex,para lang makawala na sya kay archie,i'll do everything.

isa sa mga kondisyon nya ay huwag na huwag akong magpapakita kay lex,kaya kahit na i really want to see her, talk to her, hindi pa pwede. Lalo pa at pwdeng pwedeng gawin ni jensen ang sinabi nya.Kung noon si chinee,wala akong nagawa,ngayon,lahat gagawin ko para kay lex.



ang sabi pa nya,si lex daw ang pupunta sakin kaya pinagbawalan nya ko kahit tawagan man lang.Binalaan ko syang pag may ginawa syang masama kay lex,hinding hindi ako magdadalawang isip ibaon sya sa lupa.tuwa lang ito at sinabing wla syang gagawing kahit ano kay lex.Kahit wala akobg tiwala sakanya,kailangan ko pang maghintay.




Alexia


Kinakabahan ako habang nag-aayos.siguro kung hindi ako magsusuklay e maiisip nyang tama ang pakikipaghiwalay na gagawin ko sakanya.Sa totoo nga hindi ko naman sya lubusan pang kilala kaya alam kong magiging maayos ang lahat.sana...

Pinilit kong ngumiti kahit gustong gusto ko na tumalikod at tumakbo paalis sa resto.Nakangiti lang sya at  tumayo para hilahin yung upuan para sakin.He kissed my cheek and ask what i want to eat.Gusto ko sanang sabihing busog ako pero para rin may magawa ako kaya sinabi ko nalang na salad.Hindi ako makatingin sa kanya.Hindi ko alam kung paano sisimulang magsalita.tahimik kami.nakayuko lang ako.


"How are you alexia?"malamig na tonong panimula nya.

Nagulat ako sa tono nya kaya di ko napigilang tumingin sa mata nya.Wala na ung ngiti nya kanina.nakatingin lang sya sakin.Hindi ko masabi kung anong reaksyon nya.Galit?inis?pero bakit?wala pa naman akong sinasabi.Bago pa ako makasagot,dumating na ung pagkain namin.Uminom ako dahil hindi ko malunok ung salad na isinubo ko.Ramdam kong nakatingin sya sa akin.Kinakabahan ako nang sobra.Hindi ako makapagsalita,hindi ako makatingin sakanya.

"Do you have something to tell me?"tanong ulit nya.I sigh.This is it.

"Im sorry je-"naputol ung sasabihin ko when he slammed his fist on the table.i start.when i look at him, halatang nagtitimpi sya ng galit.His eyes..its burning with rage.natatakot akong magsalita.

"Archie talked to me.Its about you"lalo akong kinabahan.Magkakilala sila ni Archie.Pero bakit kinausap sya ni archie?anong sinabi nya kay jensen tungkol sa amin.Hindi kaya sinabi nyang...hindi.I know hindi ganun kababaw si archie para mag kiss and tell.

"I see.Mukang hindi mo alam na magkakilala kami."

umiling ako.wala pa rin akong masabi.pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.pero ano?

"Ano nga ulit ung sasabihin mo sakin?sorry"uminom sya ng wine without leaving his eyes on me


I push my salad plate "From the very start Jensen, this relationship is just an accident.Hindi dapat ako nag yes.Hindi ako nakikinig noon kaya hindi ko alam na tinatanong mo na pala ako if i want to be your girlfriend.Im so sorry."he gestured his hand to stop so i did.


"i remembered.Archie was there that time.So natuliro ka at hindi ka nakikinig sa sinasabi ko that time"he stated disgustedly.

Hindi ako sanay makita syang ganito.But this needs to be done.

"May sasabihin ako sayo Alexia.Kwento ko ito.listen well.I had a girlfriend in Highschool.She was my everything.Her name is Chinee.One day she got bored and left me with a broken heart.She cheated on me.Guess who is the lucky guy she ran with?noon pa lang ayaw na namin sa isat isa.Alam kong naiinggit sya sakin pero i didnt imagine na aagawin nya pati girlfriend ko."parang may sumaksak sakin.hindi ako makagalaw.

"Now,siguro naman may idea ka na kung anong sinabi nya sa akin about the two of you.Im just disappointed in you.i thought you'll know his motives.He wants to get to me..by using you.You are just easy like Chinee,and where did it take her?she died from a broken heart.literally"tumayo na sya at umalis.Hindi na sya lumingon.

Hindi ko maintindihan lahat ng nalaman ko.Chinee?parang pamilyar ang pangalan nya..she died from a broken heart?napakapit ako sa gilid ng table.nanghihina yung tuhod ko..si Chinee..sya yung nakalibing sa puntod kung saan nakita ko dati si archie.At si archie..ginamit nya lang ako dahil sa alitan nila ni jensen noon?pati si Chinee inagaw nya kay jensen?information overload.Yan alexia.tatanga tanga ka nanaman kasi!hindi ka pa nadala!Una si Paul,si Roi tapos ngayon si Archie.Ang boba mo lang para umasa na may lalaking magmamahal ng totoo sayo.Pero bakit?wala naman akong ginagawang masama sakanila?Bakit nila ko kailangan lokohin at paglaruan?Ang sakit sakit na!Sobrang sakit na na hindi ko na mapigilang umiyak.wala akong pakiaalam kung sino pa ang makakita sakin.Well done Alexia.nasayo na tlga ang korona ng pagiging malaking Tanga.

__________________________

woooooh!tagal na nitong nakatengga sa draft.im so sorry sa sobrang tagal na update!Thank you sa inyong lahaaaaaatttttt!!!!

-rica





What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon