Chapter 27

23.7K 653 40
                                    

Alexia

Kakadating lang namin dito sa bahay. Hinatid nya ako. Hindi ko na napigil ang sarili ko at naitanong sakanya. "Si Chinee ba yung nakita kong picture sainyo? Kasama nyo si Chichi sa picture? Nakita ko din marami akong picture sa album nyo. Si mama mo sabi matagal mo daw akong mahal? Medyo naguguluhan kasi ako. Pati si Gwen sinasabi na noon palang ayaw na nya sakin. Can you please explain?

He sighed and smile. "Can i ask for coffee first?" Tumango ako at ipagtitimpla ko na siya kaya lang hindi ko pala alam kung anong guato nya sa kape. "How do you want your coffee?"

"Black no sugar" tipid na sagot nya. Parang malalim na ang iniisip nya kaya hindi ko na sya kinulit pa. Sasabihin ko sanang ang pait nama ng panlasa nya. Sa totoo lang, kung iisipin ay hindi pa namin ganon kakilala ang isa't-isa. Tama nga ba ang naging desisyon naming maging magkarelasyon? Napatapik ako ng noo. Really Alexia? After mo isuko ang bataan sakanya, ngayon pa talaga kinuwestyon ang pagiging magkarelasyon? Right. Mali naman talaga kami sa parteng iyon. Dapat lang na we make everything right na this time.

I made one for myself na din. Coffee, creamer and a spoonful of sugar. Hindi katulad ng gusto nyang black at no sugar. Naglabas na din ako ng cake, baka sakaling gusto nya din. Perfect pair pa sakin ang cake at coffee.

Wala na rin akong nakitang tao. Tulog na sila lahat malamang. Tumingin ako sa wall clock. Mag 2am na nga.

Nakangiting tinanggap nya yung coffee. "Thank you." Tipid nyang sagot. Kinain din nya yung cake na binigay ko. I can't help but glance at him. Ang tahimik na kase. Tanging yung tunog lang nung tinidor sa platito yung ingay na maririnig sa sobrang tahimik.

Pagkatapos nyang kumain, inubos lang nya yung coffee nya at bumuntong hininga sya. Ilang saglit pa siyang walang kibo bago nagsalita.

"I've known you since highschool." Napatingin ako sakanya. Ngumiti sya at nagpatuloy. Tahimik lng akong nakikinig. I'll ask questions later. "School mate tayo. Ahead ka ng 1 year sakin."

Kita kong inaalala nya yung nakaraan.
"When i first saw you with your cousin Sandra, i had to take a picture of you. You're like a ray of light in my gloomy day. I was alone then. I remember inaway ako ni kuya non. Ayaw nya kasi talagang same school kame. Me being sickly and weak didn't stand a chance nung tinulak at sinuntok nya ako. I was taking pictures randomly. I was just thinking how cruel life can get and then you came walking. Smiling and animatedly conversing with your cousin. I can't help but smile."

My heart just burst sa sinabi nyang yun. How romantic can this be? Parang gusto ko na sya agad yakapin.

"A few more times na nakikita kita sa malayo. Tinatanaw kita. Napapasaya ako sa ganoong set up. Yun lang masaya na ako. Taking pictures of you every now and then. I even put a picture of you in my wallet. Creepy stalker nga yung tawag ko sa sarili ko noon. I was shy, but i really like you. I want to introduce myself a couple of times but failed. Siguro din kase dahil nga i was sickly and weak, baka hindi mo ako pansinin."

Napailing nalang ako. Hindi naman ako ganun e. Oo nga naging popular ako simula nung nasali ako sa cheering squad but never naman ako naging snob. Napaisip ako tuloy. Kung ba nagkakilala kami noon, ano kayang nangyari? Nawala ako sa mga iniisip ko nung nagsalita ulit sya.

"You can tell me now that i am gay pero i started to fall for you, my sunshine. Yung liwanag na nakikita ko everytime your eyes lit up made me feel strong. Your laugh is like music to my ears. Nahahawa ako sa pagiging masiyahin mo." Nawala yung ngiti nya at tumingin sakin. " When i had finally found enough courage to talk to you, something happened." Naalis yung tingin nya sakin at pumikit.

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon