12

5 1 0
                                    



Isang linggo na ang nakalipas ng pumunta kami sa amusement park  at simula non ay palagi na rin kaming nagkikita at sabay na kumakain sa cafeteria.

Minsan nga lang ay hindi kami sabay sabay dahil na rin sa schedule at madalas akong may practice

Simula rin noong gabing nag park kami at sumakay kami sa ferris wheel ay hindi na rin ako masyadong nakakatulog kakaisip ng sinabi ni lennon

Naalala ko pa non ay nung ibinigay niya ang bear na napanalunan niya at ang saktong pagputok rin ng mga fireworks na makukulay kaya inenjoy na lang rin namin habang may oras pa kami noong araw na iyon

Kasalukuyan din akong nag aayos ng gamit ko dahil katatapos lang rin ng rehearsal para sa laban kaya inayos ko na ang mga gamit ko na ginamit kanina habang nagpapractice

Next week na rin ang laban kaya nag hahanda na ang lahat para manalo sa laban sila dad nag hire na ng mag aayos sa buhok ko pati na rin sa make up para raw maayos akong tignan at magmukhang tao

Asar

Simula rin noong nagpunta kami sa park palagi na rin akong pinupuntahan ni lennon sa mga practice ko at tinutulungan akong mag ayos

"Amina na yan ako na magbubuhat"

"Sure ka? Heels ko lang naman to syaka extrang pampalit"

"Oo, nasa cafeteria na rin sila sabi ko hintayin tayo"

"Ahh sige"






"Hoy galingan mo ha ipopost kita sa ig ko pag nanalo ka" sabi ni payton na nag oorder ng pagkain niya "isang rice lang po"

"Diet?" Asar sa kanya ni tyler

"Dalawa na lang po pala"

Natawa na lang rin kami sa kanilang dalawa. Hindi talaga nabubuo ang araw ng walang bangayan sa amin

"Nakita ko may photo album si mom sa bahay yung nga parents niyo nandun" sabi ni tyler sa amin habang kumakain kami

"Meron din sa amin! Anong kulay?"

"Orange. Syaka reunion pala pupuntahan namin next month"

"Edi tayo tayo lang rin pala magkakasama?" Tanong ni kennedy sa amin

"Pati ikaw?"

"Oo. Nakita ko nga may picture rin nung iba sa inyo nga baby pa kayo"

"Lennon? Ikaw ba?" Tanong ni finley kay lennon na kumakain lang sa gilid

"Idk"

"Sige lods owki" payton

"Ano nga?" Kennedy

"Kasama naman talaga ako. Its our beach house"

"Ahh yaman sana all" bailey

"Sasama ba kayo?"finley

"Sasama ako pag sasama kayo. Kayo ba?" kennedy

"Sasama ako pag sasama kayo para may kasama ako. Ano?" Tyler

"Basta sabihin niyo pagsasama kayo" kennedy

"Ano sasama kayo?" Payton

"Pag sumama kayo" finley

"E ano nga?" Bailey

"Sumama na kayo" evelyn

"Pag sumama kayo, sasama rin ako" tyler

Burden of ExistenceWhere stories live. Discover now