15

3 1 0
                                    


"Tangina naman ang hirap i cut nito"

"Bobo popsicle stick yan bakit mo gagamitan ng gunting"

"Wala ba kasi tayong stick jan? Hindi ba nakabili?"

"Wala, walang stock sa pinagbilhan ko"

"Lennon may glue ka?"

"Gamitan mo ng kanin"

"Corny mo, ina mo. Meron nga?"

"Wala obvi"

"Owki"

"Dumating na ba yung stickers na mukha ni hilary?"

"Oo tignan mo oh"



Gumagawa sila ng banners raw nila para bukas. Ewan ko ba sa mga to maglalagay pa daw ng sticker na pangalan ko sa mukha nila parang ewan.

"Para kayong ewan. Gumastos pa talaga kayo jan"

"Syempre no. Minsan lang to kaya, todo na to! Go go go!" Sabi ni payton na may ginagaya pang boses. Parang ewan.


"Tignan mo to ang ganda ng pagkakaprint ng stickers"

"Gago! Bat may photocards ni hilary dito?"

"Ha?" Nagtatakang sabi ko sa kanila

"Ahh wala yan. Tinry ko lang" sagot naman kennedy

"Gago ka? Ginawa mo akong kpop idol?"

"Tinry ko lang ahahaha. Naka sale kasi pagpapagawa niyan e. Glossy yan ahahaha!" Sabi niya na humahagalpak pa ang tawa

"May lightstick rin kami" sabi ni finley

"Huh?"

"Oo tignan mo" sabi ni finley at inabot sa akin ang isang box

Pagkabukas ko may pabilog na ang kulay ay gold na may hawakan pa sa dulo

"Naaaning na utak ko sa mga pinagbibili at gawa niyo. Ano ba to bakit nagiiba iba kulay" sabi ko na may pagkabigla dahil sa biglaang pagiiba iba ng kulay ng lightstick na pinagawa nila. Napindot ko pala yung nasa gilid kaya nag iba iba ang ilaw

"Nakaorder na rin ako ng cake mamaya ko ipipick up" sabi ni finley na nag gugupit ng colored paper

Nandito kami sa bahay namin sa likod ng bahay. Buti may grass at may pool at malaki rin ang likod ng bahay kaya malaki rin ang space namin. Hapon na dahil maaga kaming pinauwi ngayon para daw nakapag beauty rest ang mga lalaban bukas at nakapaghanda para ready na bukas. Ang ginawa lang namin kanina ay nag practice lang at yung mga hindi kasama ang alam ko gumawa lang rin ng banner para sa kandidato ng bawat department.

"Amina kamay mo" sabi ni evelyn at kinuha ang kamay ko at ipinatong sa table na nasa harap namin

"Bakit?"

"Lagyan ko ng cutics" sabi niya at may kinuhang isang pouch na may kumpletong set ng para sa kuko

"Ayoko niyan masyadong pink wag yan" sabi ko sa kanya ng makita kong kinuha niya ang isang kulay ng pink na masyadong bright. Kahit patay babangon pag may ganyang kulay e.

"Ay ewan ko din bakit ako may ganito kumuha kuha lang rin ang ng cutics sa mercury hindi ko napansin nakuha ko pala to. Teka ito na lang" sabi niya habang hinahalukay ang pouch niya. Halata namang nahihirapan na siya kaya binaliktad niya ang pouch dahilan para mahulog ang mga laman.

"Ano yan?"

"Parang old rose na ewan hindi ko malaman kulay basta ito oh tignan mo ang ganda" pinakita niya pa ang hawak niyang cutics. Maganda nga ang kulay bagay sa isusuot ko bukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Burden of ExistenceWhere stories live. Discover now