[ 12 ]

80 6 0
                                    

Messenger

[ Currently stu(dying) ]

August 9, 2021  |  8:17 AM

Matandang dalaga:
pUMASOK NA BA SI SIR

Vinivining marufok:

Tanongin mo muna kung pumasok na ba kami sa meeting

TeleTabby:
Nasa meeting na ko :)

@Vinivining marufok hala mag a-absent ka? Bakit :((

Vinivining marufok:
Oo :(( masakit ulo ko eh huhu may lagnat ata ako

Needs ko ng yakapsul at kisspirin galing kay crush

Matandang dalaga:
Hala baka may Covid ka

HAHAHAHAHAHA JOKE myghad may lagnat ka na nga pero nakuha mo pa ring humarot 🙄

TeleTabby:
Geh. Magpagaling ka, get well soon

Sendan nalang kitang notes :)

Vinivining marufok:
Twenkyu Tabby 😍💋

Matandang dalaga:
Parang gusto ko rin mag absent

@TeleTabby pwede sendan mo rin akong notes ^___________^

TeleTabby:
Ngek ngek mo Blair! Ganda ka?

Matandang dalaga:
Oo, bakit may angal ka?

TeleTabby:
Oo may angal ako. Ano suntukan?

Matandang dalaga:
Wag namang ganyan my dear. Ayokong magkapasa ang beautiful face ko

TeleTabby:
Says who 🤢

Matandang dalaga:
Myself said 😌

#selflove #selfsupport

TeleTabby:
It should be said by me or says by me, not myself said 🙄

Matandang dalaga:
'YUN NA RIN YON 😫

TABBY NANDYAN NA BA SI SIR

TeleTabby:
Oo nandito na si sir. Nag aattendance na kami

Matandang dalaga:
OMGGGG SHET TEKA PAPASOK NA KO NG MEETING

PAGTINAWAG PANGALAN KO SABIHIN MO NAG JOIN AKO PERO NADISCONNECT

TeleTabby:
Ayoko nga. Good girl ako at hindi ako marunong magsinungaling 🤗

Matandang dalaga:
DALI NA TABBY :((

MAG S-SHOWER LANG AKO PARA NAMAN FRESH AKO PAG NAG OPEN CAM

Vinivining marufok:
Mabaho ka pa rin naman kahit magshower ka 🤣

Matandang dalaga:
AKALA KO BA NILALAGNAT KA HA FIONA 🙄

TEKA PASOK NA NGA KO HUHU

Hayop ka Tabitha Sibèal Villar! Kala ko ba nag aattendance na kayo eh wala pa nga si sir sa meeting eh 😫😭

TeleTabby:
Uto uto ka eh 🤣

Matandang dalaga:
Epal ka 😠 leave nga muna ko ng meeting at ako'y mag s-shower

TeleTabby:
Wag ka na magleave

Matandang dalaga:
Why don't you want me to leave? 'Di ba ito naman talaga yung gusto mo? Yung lumayo ako sa 'yo?

TeleTabby:
Parang tanga Blair

'Wag mo nga kong idamay dyan sa mga kadramahan mo sa buhay 🤦‍♀️

Nandito na si sir. Legit na 'to walang halong joke HAHAHA

Nah, I Hate YouWhere stories live. Discover now