CHAPTER 7

34 6 2
                                    


Chapter Seven


  Bumaba na ako para sa agahan pagkatapos kong maligo. Asul na polo shirt ang napili kong isuot tsaka maong jeans. Naka-tucked in iyon at pinaresan ko ng leather shoes. Magpapalit din naman kasi ako mamaya ng safety shoes pagdating ko sa construction site.

"Good morning, love. I cooked your favorite for breakfast, si Ash tapos nang kumain. He just ate pancakes and his chocolate drink. Kain na tayo?" nakangiting bati agad sa akin ng asawa ko pagpasok ko pa lang sa dinning area.

Si Alex ay nakaupo na at matyagang naghihintay sa hapag habang abala sa origami niya.

"Yeah, let's eat.." tugon ko bago hinila ang isang upuan at pumwesto na roon. Tila nagulat naman sya na sasabay akong kumain ng agahan kaya tensyonado syang naupo sa kabilang upuan katapat ko. Tinabihan niya kasi si Alex sa kabilang panig ng mesa.

Madalas kasi ay umaalis ako sa bahay nang hindi na kumakain ng agahan kaya iilang beses lang nila akong nakakasabay sa hapag. Moment like this is just too rare for all of them.

"Papa's going to eat with us? Sayang kasi kuya finished his meal already. We should have finally eat together as a whole," komento ni Alex bago nagsimulang kainin ang cereal niya na nasa bowl.

Mabilis naman akong tiningnan ni Angel; my wife, at tsaka itinuon ang pansin sa bunsong anak namin.

"Baby, you know that Papa's busy right? His work was demanding and time-consuming, pero he's keeping up naman 'di ba?" paliwanag niya para ipaunawa ang sitwasyon kay Alex.

"Alam ko po, it's just that I'm happy today," she gave a genuine smile for her mom then to me.
Somehow, I kinda feel like I was stabbed in chest.

Malaki na nga yata ang pagkukulang ko sa kanila bilang ama. At alam kong mas malaki ang pagkukulang ko kay Angel bilang asawa.
When was even the last time I gave her gifts that's not occasion-based?

I can't even remember. Kasi hindi naman niya ako kailanman sinumbatan sa mga pagkukulang ko. Nananatili syang umuunawa at nagtitiis.
I guess I just really mess big time with my family. Wala akong pinagsisisihan paano ako napapunta sa puntong ito ng buhay ko pero mali rin naman na napapabayaan ko sila.

Angel just as her name, save me. She saved me. She was there through my darkest phase, at the most chaotic state of my life. When everyone given up, she came along and gave me hope.
When I loss her, she arrived.

***

"Hindi naman ako bothered sa exam kasi mataas naman ang nakuha kong score pero--- hey, nakikinig ka ba?"
Naputol ang pagkukwento ni Les at naka-arko ang kilay na sinundan kung saan ako nakatingin. Nang makitang 'yong babaeng papalapit sa amin ang tinitingnan ko ay mabilis niya akong sinikmuraan.

"Kaya naman pala, Jereckson," naiinis na sabi niya tsaka ako masamang tinitigan.
Buti na lang talaga hindi nakakamatay ang titig ano?

"Les naman, ikaw lang naman maganda para sa akin," malambing na sambit ko bago tinangkang hawakan ang kamay niya.
Dahil nga wala sya sa mood ay tinampal niya ang kamay ko at tsaka ako inambaan ng kamao niya.

"Ako lang? Baka nga kung wala ako rito ay nilapitan mo na 'yon, sige lang Reck. Paghusayan mo," banta niya bago kinuha ang bag niyang nasa tabi ko.

She Who Got Away (GA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon