CHAPTER 11

21 5 0
                                    


Chapter Eleven


Naging mabilis ang paglipas ng araw at ngayon nga ay ang huling araw ko na rito bago sumama kay kuya paluwas.

Nasa plaza lang kami ni Les at tahimik na nakaupo sa isa sa mga wooden bench na nasa tapat ng kiddie playground.

"Uh.." hindi ko maapuhap ang dapat sabihin kahit pa nilingon na niya ako; halatang naghihintay kung ano man ang sasabihin ko.

I then let out an awkward laugh.

"Hindi ko alam ang sasabihin, pasensya ka na." nahihiyang pag-amin ko.

We are officially together for almost five months now but everything still feels like new. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng maraming taon na ako lang ang may gusto sa kaniya ay— 'akin' na siya.
It's all worth it.

"Hmm, ayos lang.. ganoon din naman ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong.. sabihin." mahinang sagot niya bago tumingin na ulit sa ilang bata na naglalaro sa playground.

Pinagmasdan ko na lang sya habang pilit inuukit sa memorya ko ang bawat detalye ng hitsura niya.
Ang bilugan niyang mata, hugis-pusong mukha, maliit pero matangos na ilong, 'yong natural na mapula niyang labi at higit sa lahat—

"Why?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin nang maramdaman ang pagtitig ko.

"Wala SPO1, ang ganda mo kasi."

"Siraulo!" singhal niya tsaka agad namula ang pisngi pero maya-maya naman ay may ngiti na ring sumilay sa labi.

That's what I would surely miss about her the most; her heartwarming smile. Iyong ngiti niya na kayang pakalmahin at kaya ring guluhin ang buong sistema ko.

'Yong kapag sobrang hindi ko na alam ang gagawin, isang ngiti niya lang kumakalma na lahat. Her smile recharge my drained energy. Gaano man ako kapagod, sa tuwing nginingitian niya ako... ang gaan na sa pakiramdam.
She always calm the storm in me. She is the source of my Dopamine, Oxytocin, Endorphin, Serotonin; my happy hormones and happy pill.

"Reck.." the way she pronounced my name brought chills through my spine. Nang tingnan ko siya ay malamlam na ang mga mata niyang nakatuon sa akin.
"Magiging okay naman lahat hindi ba?" alangan ang tono ng boses niya bago pasimpleng pinagsiklop ang kamay at doon na tumingin. Halatang tensyonado.

"Oo naman, bakit naman hindi? Kaya natin, Les. Trust the process." seryosong sagot ko bago ipinatong ang kamay ko sa ulo niya kaya napalingon sya ulit sa akin.
"Hindi tayo matatalo ng distansya lang, maniwala ka."

Nagpakawala sya ng buntong-hininga at mabilis na napalunok nang bumaba ang kamay ko sa pisngi niya. We just stare at each other's eye for a moment and again, for the countless time around— I feel the urge to kiss her but..

"Cutie~" pang-aasar bago pisilin ang pisngi nya. Mabilis naman niyang hinawakan ang palapulsuan ko para tanggalin ang hawak ko roon pero hindi niya matanggal.

"Reck, ano ba?!" singhal niya kahit nahihirapang magsalita.
Nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya ay agad nanlaki ang mata niya. Nagbababala ang tingin niya na halos patayin na ako sa pag-aakalang may binabalak akong kalokohan.

"A-Ano ba Jereckson!" reklamo niya pa pero mas inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya— sadyang nanunukso.

"Mahal kita, Lesley.." bulong ko tsaka sya pinatakan ng halik sa noo at hinigit para yakapin.
Ilang sandali pa bago ko maramdaman ang dahan-dahang pagpulupot ng braso niya sa akin dahil siguro sa gulat.

"I love you too, beb."

The solemnity of this moment was just too much to handle. Namumuo ang luha sa mata ko at agad bumigat ang paghinga. Napansin niya yata kaya akmang hihiwalay na sya sa akin pero mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya.

She Who Got Away (GA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon