CHAPTER 9

18 6 0
                                    


Chapter Nine


Alarm ng cellphone ang gumising sa akin kinabukasan, nang tingnan ko kung para saan 'yon ay dahil pala sa schedule ng pagkuha namin ng Toga na gagamitin para sa graduation sa sunod na linggo.

Sariwa pa rin sa akin 'yong naging pag-uusap namin ni Les kagabi at mabigat pa rin sa dibdib. Tinatamad akong bumangon sa kama at tsaka dumiretso sa pagkuha ng tuwalyang nakasabit sa pinto ng closet.

Nang mapadako ang tingin ko sa salamin ay bahagya pa akong natawa dahil sa repleksyon ko. Talo ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, ang itim ng ilalim ng mata ko at halatang kulang sa tulog.

Hindi ko alam kung paano aakto kapag nagkita kami ni Les, lalo na at alam kong pareho kaming malungkot dahil sa sitwasyon namin. Ilang araw na lang ay graduation na, tapos ay kailangan ko ng umalis dito para maghanda sa pag-aaral ko sa kabilang syudad.

Simpleng white shirt lang ang napili kong isuot tsaka 'yong school jogging pants namin. Wala ako sa huwisyo para pag-isipan pa ang isusuot dahil pagkakuha ko naman ng Toga sa school ay balak kong umuwi kaagad.

Mabilis akong natapos sa mga kailangang pirmahan kaya nakuha ko na rin agad ang Toga nang bigla akong akbayan ni Renz.

"Pare, sasama ka? Mag-arcade kasi kami ng mga taga-Section 4," bungad niya agad tapos ay itinuro si Kevin na kasama ang mga kaibigan namin sa nasabing klase na pawang nagtatawanan.

"Nakakatamad, Renz. Pass muna ako." sagot ko na mas ikinailing niya.

"May sakit ka ba? Ang tamlay mo." puna niya pa tsaka ako matamang tiningnan. Ewan ko ba kung bakit napaka-hyper at daldal niya ngayon.
Ang gaan ng aura niya.

"Hindi, medyo tinatamad lang talaga ako." pangangatwiran ko tsaka inalis ang braso niyang nasa balikat ko.

"P're, 'yon pala ang bebe mo," itinuro niya ang gawi kung nasaan sina Lesley at;
"Les-"

"Una na ako, ingat na lang kayo." mabilis ang naging pagkilos ko tsaka lumayo kay Renz na bahagyang natigilan sa akmang pagtawag kay Les. Pero huli na dahil nakuha na niya ang atensyon ng mga ito.
Dinig ko pa na ilang beses niya namang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon.

I don't know why I'm suddenly acting this strange. Natatakot ako at nakokonsensya- hindi ko pa kayang harapin si Les. Kulang pa ako sa lakas ng loob at kumpyansa, baka nga hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bigla na lang akong umiyak sa harap niya kapag nagkausap kami.

"Reck.."

And fvck, here she is. Paanong nandito na sya agad? Hindi ba't iniwan ko sila roon?
Am I spacing out?

"Les, uuna na ako. Wala ka bang kasabay? Ihahatid na kit-"

"Stop the crap, Reck. Ano bang problema mo?" mabilis na lumapit sa akin si Lesley kasabay ng tanong na 'yon.
Humakbang naman ako paatras.

"May gagawin lang talaga ako sa bahay, kailangan ko ng umuwi." tipid na sagot ko at akmang lalampasan na sya ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuan.

"Tatakas ka? Hanggang kailan mo balak tumakbo?" mahinang tanong niya pero sapat lang ang diin para iparamdam na naiinis sya.
"Ang duwag mo Jereckson. Sige umalis ka na kung 'yan ang gusto mo." dagdag pa niya tsaka bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

She Who Got Away (GA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon