4(T)SB19 pag magbabayad sa jeep

398 16 1
                                    

---
SB19 na first time sumakay ng jeep mag-isa at mag-aabot ng bayad

---
["JOSH"]

JOSH: (nag-abot ng bente)

Driver: (tinaas ang bente) Saan 'yung bente?

JOSH: (napakunot-noo) U-uh.. Hawak mo?

Driver: Sabi ko, saan baba nitong bente?

JOSH: (nagtatakang napangiwi) Hello?  Ako iyong bababa, hindi po iyong bente manong.

---
["PABLO"]

PABLO: (nag-abot ng bente sa driver)

Driver: (lumingon kay Pablo) Saan 'yung bente?

PABLO: (napataas-kilay) WHAT? Kaaabot ko lang ng bente, nawala agad?! My golly!

Driver: -.-

---
["STELL"]

Driver: Saan galing 'tong bente, iho? (kunot-noong tanong)

STELL: Grabe naman 'tong si manong. Huwag judgemental please. Iyang benteng iyan ay 'di galing sa gobyerno. Ang benteng iyan ay galing sa paghihirap ko.

Driver: -,- Natawag pa ngang judgemental. Tinatanong ko lang kung saan bababa itong bente?

STELL: Ayy hala nababa rin pala mag-isa ang bente, manong?!?

Driver: Ayy ambot! Jusmiyo!

---
["KEN"]

KEN: Bayad nga po. (inabot bayad)

Driver: (tinaas ang bente) Saan ang baba nito?

KEN: (nagtaka) Ha?

Driver: Saan baba nitong bente?

KEN: Yawa! Naglalakad 'yung bente?!?!! (tanong sa sarili)(napatulala)

Driver: Iho?

KENTOLALA: .....

---
["JUSTIN"]

JUSTIN: (nanginginig na inabot ang bayad dahil first time sumakay ng jeep) Uh bayad po.

Driver: (nanlaki ang mata sa isang buong 1000) Bata, wala ka bang barya jan?

JUSTIN: P-Po?

Driver: Anlaki nito. Wala akong panukli rito. Ikaw lang bang mag-isa?

JUSTIN: (napalunok ng laway) O-opo.

Driver: (nakatitig kay Justin sa may salamin)

JUSTIN: H-Huwag niyo na pong itanong kung bakit! Sanay naman po ako na laging iniiwan kaya nasanay na rin akong mag isa... Uh keep the change nalang po. (napayukong napasulyap sa mga kasama sa jeep)

Driver at mga pasahero: (nakanganga at napakurap ng mata) (click the media above)

______

-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot 2Where stories live. Discover now