6(T)[IMGN]Our Promise|JOSH

345 16 0
                                    

---
O

UR PROMISE

📍SB19 Josh
📍Oneshot story
📍Dedicated to my friend, Lizzy

---
"Love, look at them! They're so cuteee." Napatingin ako sa tinuturo ni Lizzy. May dalawang bitbit na bata ang 'di katandaang lalaki samantalang ang babae nama'y may bitbit na isang bata.   Nakangiti silang naglalakad sa pedestrian lane at parang kagagaling lang sa family bonding.

Napangiti ako at hinawakan ang kaliwang kamay ni Lizzy.

"Don't worry, mas cute tayo jan pag nagkapamilya na rin tayo," saad ko sabay kindat dito.

"Gusto ko in the future, dalawa lang dapat anak natin. Iyong kambal dapat," wika nito at nakangiti lamang akong nakatingin sa kanya.

"Okay, let's try to make a twin for you. Pero pa'no kung hindi naging kambal? Gagawa ulit tayo hanggang sa magkakambal tayo? Hmmm," saad ko at natawa nang bigla ako nitong hampasin sa balikat.

"Okay lang kung hindi maging kambal basta dalawang anak gusto ko. Para naman 'di mag-isa iyong magiging anak natin," usal nito pero mas nakatuon ako sa mapupula nitong labi at sa dimple nitong napakalalim.

Napatingin ako sa daanan nang may bumusina sa likuran namin. Nag green light na pala. Bumitaw muna ako sa pagkakahawak sa kamay ni Lizzy saka nagsimulang imaniobra ang sasakyan.

"I can't wait to be your wife, love," ngiting saad nito kaya sumingkit lalo ang singkit na mata nito.

Oh ghad. I'm such a lucky man to have this woman right beside me.

"Don't be like that here. Baka 'di ako makapagpigil, gawin kong dose anak natin dito ngayon," saad ko at tumingin sa kanya. Nanlalaki ang mata nitong tumitig sa'kin. Natawa ako sa kakyutan nito at tumingin na ulit sa daanan.

Hindi ko alam kung naging mabuti ba akong nilalang noong nakaraang buhay ko at binigyan ako ng isang pambihirang babae sa buhay ko.

I can't wait to be her husband.

————
Nakangiti akong nakatanaw sa mahal kong pumasok sa malaking pintuan nitong simbahan.

Nakasuot ito ng puting bestida at puno ng luha ang kanyang mga mata. Kahit na ganun ay wala pa ring kupas ang kagandahan nito.

You're so beautiful my love.

Agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko at tinignan ang mahal kong naglalakad palapit sa altar.

Gusto ko mang punasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata ay kailangan kong pigilan ang sarili ko.

————
"Ba't ang gwapo gwapo mo?" Napalingon ako sa kanya at 'di napigilang mapangiti.

"Alagang Lizzy eh," sagot ko at tumingin na ulit sa may kalsada.

Naramdaman ko nalang na sumandal si Lizzy sa kanang balikat ko. Isinandal ko rin ang ulo ko rito habang nagmamaneho.

"I love you, Josh," saad nito habang nakaangat ang tingin sa'kin.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "I love you so much, Lizzy, damn much." Tumingin na ulit ako sa kalsada at nagfocus sa pagmamaneho.

Natahimik kami saglit pero nagulat ako ng bigla ako nitong halikan sa pisngi.

Agad akong tumingin sa kalsada at tumikhim, "Oh tuksooo~ layuan mo akooo~," pagkanta ko kaya mahina nitong tinampal ang pisngi ko.

"Gagu." Natawa kaming pareho.

"Bawal ba talaga kitang halikan sa labi?" tanong nito.

"Bawal nga, love. Ang sabi sa pamahiin—"

"Bwisit na pamahiin iyan. Tapos 'di pa tayo pwedeng magkita bukas hanggang sa kasal natin pagkakinabukasan urghhh," pagputol nito sa sinasabi ko.

"Isang araw lang naman, love. Tiis tiis lang at ikakasal na tayo. Tapos pagkatapos nun, pwede mo nang angkinin ang buong pagkatao ko," natatawa kong saad dito.

"Pamahiin pamahiin pa kasi. Kung pwede lang bukas na iyong kasal natin
eh."

"Mamimiss mo lang ako eh."

"Malamang," agarang sagot nito kaya 'di na ako nakapagpigil at dinampian ko ito ng halik sa labi.

Namumula itong nakatingin sa'kin at ngumiti ako rito. Silly girl.

Aayos na sana ako sa pagkakaupo nang biglang may malakas na tunog na bumusina sa kaliwa ko.

"BEEEEEEEPPPP!!!" Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makitang may biglaang tumawid na malaking truck sa intersection.

"JOSH! IPRENO MO!" Dali-dali kong pinreno ang sasakyan pero hindi pa rin nito maiiwasan ang malaking truck kaya tinanggal ko ang seatbelt ko at kinuha ang unan sa likuran.

"Love! Sumandal ka sa dibdib ko! Yumuko kalang!" usal ko at niyakap si Lizzy kasama ang unan at hinarang ang katawan ko.

May lumabas na dugo sa bibig ko.

"J-josh...JOSHHHH!"

Rinig ko ang paparating na sasakyan ng mga pulis at ambulansya bago unti-unting nandilim ang paligid ko.

***
"Josh, p-please lumaban ka! Loveee!" Nanghihina akong napadilat ng mata sa boses na iyon. Nasa loob ako ng ambulansya. Napatingin ako sa babaeng mahal ko at nakita ko itong umiiyak na nakatingin sa'kin.

"Love!" Dali-dali ako nitong niyakap.

"P-please, don't leave me. Magpapakasal pa tayo diba? Mag a-I do pa tayo. G-gagawa pa tayo ng kambal."

"L-l-love... " Akma kong gagalawin ang braso ko nang hindi ko ito maramdaman.

"P-please... Lumaban k-ka, Josh," naiiyak nitong usal. Hinawakan ko ang kamay nitong malapit lang sa kamay ko.

"L-l-laban ako. H-hintayin mo ako, l-love. Lalaban ako. M-mag a-I do pa ako sa'yo..."

"P-Promise?" -Lizzy.

"P-promise."

————
Nang makalapit na sa altar ang babaeng mahal ko ay lumapit ito sa'kin at naluluhang ngumiti.

Naluluha rin akong ngumiti rito at nilibot ang tingin sa paligid ng simbahan.

Nakangiting umiiyak ang mga taong bisita ng kasal namin ngayon.

Ngumiti ako ng mapait nang simulan na ang kasal namin ng babaeng mahal ko.

Nakatitig lamang ako sa magandang mukha ni Lizzy habang nandito ako sa loob ng kabaong ko.

Yeah. I didn't survived that night. I broke our promise that we will said our I do's to each other but she didn't broke it. 'Cause she's now saying those words for me, marrying my lifeless body.

"I do, father."

---
-✨

SB19 Random Scenarios And OneShot 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin