Chapter 16

13 1 0
                                    

Eve's POV

MULA nung araw na pumayag akong makipag-kape sa user ng @thedarknessfromwithin ay hindi na talaga naka-function ng maayos ang utak ko.

Kahapon ko lang kinonsidera ang ideya na what if hindi pala mapagkakatiwala'ang tao yun? What if sindikato siya of some sort?

Sabi pa nga ni Pia baka "mafia" daw ito dahil halata naman na may pera base sa mga social media post niya.

"Don't tell me nagda-doubt ka parin ngayon sa kaniya?" Tukoy ni Pia kay sa user ng @thedarknessfromwithin.
Kasalukuyan niyang kinukulot ang dulo ng buhok ko para mamaya, oo, mamaya na kami magkikita!

(^~^;)ゞ

Siguro nakadagdag din sa doubt and anxiety ko yung pagiging mahiyain ko.
Minsan kase nadadala ako ng feelings ko kaya madali akong mapapayag sa mga bagay-bagay.
Hayss. Ilang beses na ding may nag-aya sa'ken na isa ding blogger na magkita daw kami, babae siya pero ilang araw bago ang date ng pagkikita namin nagdahilan ako na may emergency pero ang totoo...masyado akong kinabahan at nag-doubt sa pagkatao niya.

"Bakit nga ulit ako pumayag?" Heto na naman ang self-confidence ko, parang kabute, susulpot kapag di inaasahan, mawawala kapag kailangan.

"Kase sabi mo nga matagal mo na siyang fina-follow diba? Staka kung gangster man yun, aba'y anong makukuha sa'yo te? Sige nga?" Prangkang sagot ni Pia sa'ken, dahilan para mas humaba pa ang nguso ko.

"May halaga naman mga lamang-loob ko no." Biro ko na lang sa kaniya. Imbes na tawa ay isang malakas na batok ang natanggap ko!

"Aray! Bat naman—"
"Sira ka talaga! Walang mangyayare okay?...nasa speed dial mo ako diba? Basta, kapag may nararamdaman kang mali mag-text ka agad." Bilin pa saken ni Pia.

Sinabihan niya din ako na tatawag siya after 30 minutes ng napag-usapan naming oras ni @darknessfromwithin para daw malaman niyang buhay pa ako.
Hayss, pati tuloy siya dinamay ko sa pagiging anxious ko.

(˘・_・˘)

————

Usapan namin ni @thedarknessfromwithin na 3:00 ng hapon kami magkikita dun sa coffee shop.

Sabi niya ay icha-chat niya daw sa'ken ang kulay ng suot niya para madali ko siyang makita, I replied a thumbs up instead of telling him what I'm gonna wear, payo na din sa'ken ni Pia yun para daw kung mukhang di katiwa-tiwala ay madali akong makalabas na hindi namamalayan.

I wore a plain sky-blue off-shoulder knee length dress, match with my white sneakers. Pia also put some make-up on my face para di ako mukhang namumutla, I like the little wing she did to my eyes. I let my shoulder length hair lose as usual, at para di masayang ang pag-aayos ni Pia sa dulo nun.
Upon seeing myself in the mirror, masasabi ko na confident ako sa kinalabasan.

Bilang supportive and overdramatic friend din ay sinamahan pa ako ni Pia hanggang bus stop, binilinan niya din ako na i-open lang ang location ng phone ko for safety measure.

"Chika tayo later, ha!" Paalam pa nito sa'ken bago ako tuluyang makasakay ng bus.

Sa pinaka-dulo ako ng bus umupo, favorite spot.
Ngayong hindi ko na kasama si Pia mas lalo akong kinakabahan, para tuloy unang beses ko pa lang makipagkita sa tao, well...sort of?

Personally, mahiyain talaga akong tao, lumalakas lang ang loob ko kapag may kasama ako. Mas madali para sa'ken makipag-socialize through online. Kahit humahakot ako ng academic awards, mahirap parin sa'ken ang makipag-communicate, siguro nga paperworks ang talagang nagpapa-angat sa grado ko. 5 pages paper? Easy lang sa'ken yun, mas gusto ko pa nga yun kesa oral presentation.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon