Chapter 23

13 0 0
                                    


Eve's POV

SA ISIP ko ay nag-umpisa na akong magdasal habang pahigpit nang pahigpit ang pagsakal ni mama sa'ken.
Pakiramdam ko ilang segundo na lang at mababali na ang mga buto ko sa leeg. Kahit anong tapik at paki-usap ang gawin ko ay wala man lang itong epekto sa kaniya.

"Mamatay ka...mamatay ka!" Paulit-ulit pa nitong sinasabi habang paunti-unti nang nakikiusap ang baga ko sa sariwang hangin.

Lord, b-bakit ka ba ganito? A-Ano jo ba ang nagawa ko?
Wika ko pa sa isip ko habang unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko, tanging matining na tunog na lamang ang naririnig ko.

Ito na ba yun? Sinong mag-aakala na ganito ako mamamatay? Sa kamay pa mismo ng taong nagsilang sa'ken. Patawa talaga ang langit.

Sa mga oras na yun. Tinanggap ko na ang katapusan ko, pero.... mukhang natutuwa pa ang langit na makita akong buhay.

Muli akong nakalanghap ng hangin, nawala na din ang mahigpit na mga kamay sa palibot ng leeg ko. Nang subukan kong magdilat ay nakita ko na may kung anong umuusok sa pader ng kwarto ko, maya-maya pa ay naaninag ko ang napakalaking butas sa pader!

Nakarinig pa ako ng ilang malakas na lagapag sa bahay, na para bang andaming bagay na nagbabagsakan.

Sinubukan kong tumayo kahit pa mas lalo lang sumasakit ang likod ko mula sa pagkakahagis ng mama ko sa'ken. Kaya naman pilit ko na lang siniksik ang sarili ko sa pagitan ng bookshelf at study table ko.

Sunod-sunod ang mga naging ingay sa buong bahay at palakas iyon ng palakas na para bang may mga bomba nang sumasabog sa bahay. Nang subukan kong sumilip sa may butas sa pader ay halos maluwa ko ang mata ko nang makitang may taong mabilis na lumilipad sa direksyon ko!

Tumama ang likod niya sa study table na siyang naging dahilan para mahati ito sa dalawa. Agad din itong tumayo ito na para bang walang nangyare at mas mabilis pa sa kidlat itong muling lumabas sa butas sa may pader.

Kailangan kong makalabas dito at makahingi ng tulong. Sabi ko pa sa sarili ko matapos ang nakita kong kakaibang pangyayare.
Nakita ko ang maleta ko malapit aa may pinto. Doon ko nilagay ang cellphone ko at pati na din ang swiss knife.

Nang subukan kong gumapang papunta doon ay agad kong naaninag sa gilid ng mata ko ang pamilyar na pigura ng babae. At hindi nga ako nagkamali nang makita si mama palapit sa'ken.

Sa hindi malamang dahilan ay gumagalaw ang mga buhok niya na para bang may hangin na nakapalibot doon. Mas dumami pa at nagkalat na sa buong katawan niya ang mga itim na ugat. Itim parin ang kulay ng mata niya at nababasa ko parin sa labi niya ang mga salitang: "Mamatay ka!"

Sinubukan kong depensahan ang sarili ko sa pamamagitan ng paghagis ng anomang bagay na malapit sa'ken. Libro, stinelas, at maski yung lamp ko! Pero sinangga niya lang ito nang walang kahirap-hirap.

Hinanda ko na ang mga braso ko nang tangkain nitong muling lumapit sa'ken, ngunit may bigla na lang humugot sa ulo nito at walang kahirap-hirap siyang... ibinaon sa sahig ng kwarto ko.
(((;ꏿ_ꏿ;)))

Nanlalaki ang mga mata kong pinanood na suntukin ng lalake ang katawan ng mama ko, sa sobrang lakas ng suntok ay nagawa nitong yanagin ang buong building na tinitirhan namin.

Agad akong napa-atras nang lumapit ang lalake sa'ken. Nakasuot ito ng puting t-shirt na punit-punit at madumi na, may mga kalmot siya sa braso at...umuusok sa hindi malamang dahilan ang katawan niya.

Imposible. Lahat ng ito ay imposible!
Tumayo ito sa tapat ng dating study table ko at para bang may hinahanap doon.
"Yung box, asan na?" Hingal nitong tanong sa'ken.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon