Chapter 45

7 1 0
                                    

Levi's POV

MGA kalahating oras na siguro kaming naglalakad nang bigla na lang tumigil si Eve.

"May...naririnig akong boses," sabi pa nito nang lingunin ko siya. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako yun, pero baka mas magalit pa siya, kaya naman sinenyasan ko na lang siya na hindi ako nag-sasalita habang umiiling at nakaturo sa bibig ko.

Nang bigla na lang itong lumingon sa gilid nito, yung gubat.

"May mga tao doon," ani Eve.
Gusto kong magsalita, bwiset!

Alam kong walang tao sa lugar na yun, kung may naririnig siya ibig-sabihin epekto nga ng lugar ang kakaibang nangyayare sa kaniya ngayon.
Bigla nitong kinalas ang pagkakahawak ko sa kamay niya, nang makita kong tangka niyang tahakin ang papasok sa mga puno ay mabilis kong hinila ang braso niya.

Umiling ako para sabihin na huwag siyang pumunta doon.
"May mga tao do'n...humihingi sila ng tulong!" Nanlalaki ang mga mata pa nitong sabi sa'ken.

Nang sabihin niya yun ay minabuti kong pakinggan ang gubat, ngunit wala naman akong naririnig dun kundi purong katahimikan.

Nang magpumilit pa si Eve na pumasok sa gubat ay minabuti ko nang hilain  ito para makalayo na agad kami.
Kasabay ng paglalakad namin ang pagpupumiglas ni Eve sa likod ko. Panay ang sabi nito na bumalik kami at may mga naririnig siyang humihingi ng tulong.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na yung rice fields sa di kalayuan. Natigil na din ang pagsasalita ni Eve, pero nang lingunin ko ito ay halata parin na wala parin siya sa sarili niya, dahil kung maayos na ang pakiramdam niya ay hindi siya basta lang nakatingin sa mga paa niya.

Nang marating namin ang dulo nung gubat ay agad din akong nanlumo.
Para marating namin yung taniman nung palay ay kailangan naming lumusong sa itim na tubig . Hindi naman masyadong malayo yung taniman, pero hindi ko alam kung ga'no kalalim yung tubig  at kung anong meron dun.

Pero kung hindi kami lalangoy sa tubig ay kailangan naming pumasok sa gubat para makapunta dun sa tulay na konektado sa taniman.
Parehas na delikado yung dalawa, pero alam kong mas mabilis kaming makakatawid kapag sa tubig kami.

"Eve?" Nang i-angat ko ang mukha nito ay kasing putla na siya ng buwan!
Ayoko mang aminin nung una, pero tingin ko talaga si Eve ang pinupuntirya ng lugar na 'to.

"Tatawid tayo sa tub—" hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin ko nang bigla na lang takpan ng kamay ni Eve ang bibig ko, hindi siya nakuntento at ibinaon pa nito ang mg kuko sa mukha ko!

Nababaliw na siya!
╏ ” ⊚ ͟ʖ ⊚ ” ╏

Nang pilitin kong alisin ang kamay niya sa mukha ko ay hindi sinasadyang naitulak ko ito, para lantang-gulay itong agad na natumba sa lupa at mawalan ng malay.

Imbes na pag-aksayahang gisingin ito ay minabuti kong isampa na lang siya sa likod ko para makalayo na kami sa gubat na yun.

Abot hanggang leeg ko ang tubig. Mga bato lang ang nakakapa ko sa paanan ko, pero hindi ako nagpaka-kampante lalo pa't masyadong payapa ang tubig.

Nasa kalagitnaan na kami nang marinig kong magsalita si Eve.
"L-Levi...m-may naririnig ako...sa t-tubig." Aniya. Agad akong napatigil para pakinggan kung meron nga bang kakaiba sa tubig gaya ng sinasabi Eve, pero wala naman akong naririnig!

"Huwag mo silang pansinin." Sabi ko na lang sa kaniya saka nagpatuloy na sa pag-langoy.
"L-Levi...may l-lumulutang sa paligid."
Hindi ko alam kung ano ang nakikita niya pero tanging itim na tubig lang ang nakikita ko.

"Ipikit mo na lang ang mata mo." Kalmado kong sabi sa kaniya.
"Pero n-nakikita ko parin sila."
Sino bang sila?!

Magsasalita pa sana ulit ako nang marinig ko ang pagsinghot nito na sinundan pa ng mga hikbi. Pansin ko din na hindi na niya ako pinapatahimik kapag nagsasalita ako.
Gustuhin ko mang usisain siya ay minabuti kong ipagptuloy na lang muna ang pagtawid sa tubig at hindi magaan ang dala-dala ko sa kamay at si Eve.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon