Chapter 47

6 0 0
                                    

Eve's POV

HINDI ko maintindihan ang nangyayare.
May mga nakaputing lalake na nakapalibot sa'men, tapos ah bigla na lang lumipad si Levi ng napakalayo sa isang wasiwas lang ng kamay nung nakaputing lalake!
At hindi ko alam kung naalog ba ang utak ni Levi pero ginagalaw nito yung kamay na parang sinusubukan niyang bunutin yung bulaklak nang hindi ito hinahawakan?

"Itayo niyo yang mortal. Itali niyo silang dalawa pagkatapos." Sabi nung lalake na may napakahabang itim na buhok. Nang tignan ako nito ay parang gusto kong iyoko ang ulo ko sa kahihiyan.
Pero bakit ko gagawin yun?

Napalingon ako sa may braso ko nang may bigla na lang humawak dun, isa ring lalake na may mahabang buhok na itim, at aaminin ko....may itsura silang lima.

"Tumayo ka." Mahinahon ngunit may awtoridad na sabi pa nung lalake sa'ken. Tinulungan niya akong makatayo mula sa pagkakahulog ko sa likod ni Levi. Hanggang ngayon masakit parin yung pisngi ko.

"Bitiwan niyo nga ako!" Si Levi. Nagsusungit na naman siya at napaka-sama ng tingin sa mga lalake. Tinitignan parin nito yung kamay niya at pakiramdam ko may nangyayareng hindi maganda sa kaniya.

Nabalik naman ako sa lalaking tumulong sa'ken tumayo nang simulan nitong ipulupot yung kulay gintong tali sa'ken!

"H-Hoy! Anong ginagawa mo?" Pilit kong tinanggal yung tali sa'ken pero hindi ko yun magalaw-galaw, para bang nadikit yun bigla sa katawan ko.

"Itigil mo yan o sisipain kita?" Banta ko pa dun sa lalake, pero hindi ito tumigil at para bang walang naririnig.
"H-Hoy!...Levi!" Tawag atensyon ko kay Levi. Hindi ko alam kung bakit mas natatakot pa ako sa mga nilalang na nakaputi kesa sa kaniya, basta, may hindi ako magandang pakiramdam sa kanila.

Nang makita nito kung ano yung ginagawa sa'ken nung lalake ay nagmadali itong lumapit sa'ken, pero agad naman siyang hinarangan nung tatlo pang lalake. Nilabas nila ang mga espada at walang ano-anong inatake si Levi!

"T-Teka.H-Hoy! Tigilan niyo yan!....Ikaw, tanggalin mo 'to sa'ken!" Nanggigil ko pang sabi sa lalake sa tabi ko, pero umaarte parin ito na parang walang naririnig!

Walang ibang nagawa si Levi kundi ang umiwas, ngunit natamaan siya ng isa pang espada sa may likod nito. Ramdam ko sa pagsigaw niya ang sakit nun. Nang mapaluhod siya ay dun na nila siya tinali sa kulay ginto ding laso.

"Levi!"
"Nakakamangha naman," dinig kong sabi pa nung lalake kanina na siyang nag-utos na itali kami.

"Pakawalan mo kami. Sino ba kayo, ha? Ang alam ko, ngayon ko pa lang kayo nakita kaya wala akong atraso sa inyo." Si Levi, hindi ko sure.

"Ang mortal na tumutulong sa demonyo ay tinuturing na rin naming taksil sa ama. Dapat nga mas matakot ka pa sa pangalan na sinisigaw mo, kesa sa'men." Aniya.
Nagugulat na alam niya kung ano talaga si Levi, pero pa'no? Staka...ano sila?

"Mga anghel kami kaya huwag kang mag-alala. Hindi namin kayo gagalawin hanggat walang utos sa'men." Aniya, na para bang nabasa nito ang nasa isip ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagulat ng sabihin niya kung ano sila, ang mas nagulat ako ay kung pa'no nila kami tinatrato.

"K-Kung anghel kayo...diba dapat hindi niyo kami tinatali na para bang bilanggo?" Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ko, hindi ko alam kung bakit.

"Nakadepende ang pagtrato namin sa mortal at demonyo. Sa kaso mo...tinutulungan mo ang demonyong yun, at pinasok mo pa siya sa sagradong lugar na 'to... Tutulungan ka namin kung binihag ka niya, pero gano'n ang nakikita namin." Aniya.

Ano bang sinasabi niya? Ni hindi man lang niya kami tinanong kung bakit kami nandito eh.
At ano daw? Tutulungan nila ako kung bihag ako?

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon