PROLOGUE

508 31 69
                                    

Prologue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prologue

NAGLALAKAD ang binatang si Dariel papunta sa kaniyang school na pinapasukan. Siya ay isang first year college student at scholar sa isang pinaka-kilalalang unibersidad, ito ay ang Constance University na kung saan ang nagmamay-ari nito ay ang magulang ng kaniyang kababatang si Connor Constace.

Kaya niya nilalakad ito sa kadahilanang malapit lamang ang apartment na inuupahan nila ng kaniyang Nanay sa unibersidad na kaniyang pinapasukan.

Pagkarating ni Dariel sa gate ng school ay may lumapit sa kaniyang isang babae at mukhang pagod na pagod dahil sobra ang paghahabol niya sa kaniyang hininga.

Sumenyas ang babae na tumigil muna siya sa kaniyang paglalakad kaya napatigil si Dariel saka tinignan ang babae.

Itinukod ng babae ang kanyang dalawang kamay sa kaniyang tuhod dahil sa pagod.

"Bakit po pagod na pagod ka? bakit niyo po ako pinatigil? May sasabihin ka po ba?" sunod-sunod na tanong ni Dariel sa babae.

"San-dali la-ng." hingal na hingal na sabi nang babae.

"Halika muna po sa may plant box dito sa gilid para maka-upo ka po mukha ka pong nag-marathon." sambit ni Dariel saka niya sana aalalayan ang babae pero pinigilan lang siya ng babae.

"Hindi na maraming salamat sa pag-alok, gusto ko lang sabihin na pinapatawag ka ni Connor doon ka daw dumiretso sa penthouse niya, kailangan nandoon kana daw within 10 minutes." lintaya nang babae kaya napalaki ang mata ni Dariel.

"Bakit daw po niya ako pinapapunta? Saka ilang minutes nalang po ang natitira sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Dariel.

"Hindi ko din alam eh basta bilisan mo na pumunta may anim na minuto ka nalang, mukhang mainit ulo ni Connor kaya ingat nalang, sige bilis na malalagot din ako sa kaniya." sambit ng babae sabay hatak kay Dariel, wala nang nagawa si Dariel kundi ang magpahatak na lamang.

Di alam ni Dariel kung ano nanaman ang kinagagalit ng kanyang kababata na si Connor, wala naman siyang maisip na ginawa niya. Baka may problema lang kaya ganun ang sabi ni Dariel sa kaniyang isipan.

Pagkarating nila sa building kung nasaan ang penthouse ni Connor ay iniwan na siya nang babae dahil hindi na daw siya pwede sumama. Pumasok na si Dariel saka dumiretso sa elevator, pagkapasok niya sa elevator pinindot niya ang pinakataas na floor dahil nandoon ang Penthouse ng kaniyang kaibigan/kababata.

 Pumasok na si Dariel saka dumiretso sa elevator, pagkapasok niya sa elevator pinindot niya ang pinakataas na floor dahil nandoon ang Penthouse ng kaniyang kaibigan/kababata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
La Bestia [BxB]Where stories live. Discover now