CHAPTER 1

353 23 27
                                    

Dariel Davis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dariel Davis

DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas simula noong nangyari ang kaganapang di ko inaasahan na magagawa sa akin ni Connor.

Narito ako ngayon sa apartment na inuupahan namin ni Inay dahil isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa takot ko na mangyari muli ang ginawa niya sa akin.

Hindi ko naman akalain na ganun ang nararamdan niya sa akin. Ngunit hindi ko alam sa sarili ko dahil tanging kaibigan/kuya lang talaga ang turing ko sa kaniya. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ninanais niya.

Baka mali ang iniisip ko, baka di niya ako mahal sadyang obsessed lang siya sa akin.Pero sa totoo lang hindi din nating maiiwasan na ma-attached sa isang tao kapag matagal na natin itong kasama.Siguro kailangan ko siyang kausapin ng mahinahon. Malay natin nabibigla lang siya sa nararamdaman niya o iniisip niya.

Lalakasan ko ang loob ko dahil kaibigan ko siya kailangan ko siyang makausap ng masinsinan, ayaw ko na masira ang pagiging magkaibigan namin dahil lamang sa ganitong pangyayari.

Aaminin ko na ang kaba at takot ay narito parin sa aking dibdib pero para sa ikakaayos naming dalawa dapat gumawa ako ng hakbang. Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang bigla akong tawagin ng aking Nanay.

"Dariel anak papasok ka ba ngayon o masama parin ang pakiramdam mo?" tanong ni Nanay habang palapit sa akin. Sinabi ko kasi kay Nanay na masama ang pakiramdam ko. Halangan naman sabihin ko na muntik akong gahasain ng kababata ko.

Lunes ngayon kaya dahil may nabuong plano sa isipan ko upang maayos ang nangyari sa pagitan namin ni Connor kaya papasok ako.

"Papasok po ako Nay maayos naman na po ang aking pakiramdam." tugon ko kay Nanay.

"Eh kung ganun halika na para makapag-ayos kana baka malate ka pa, tumayo ka na diyan." wika ni Nanay sabay halik sa aking ulo.

Baka isipin ninyo na nagiging hangal ako dahil sa gagawin kong pakikipag-usap kay Connor syempre ayaw ko na mabalewala ang pagkakaibigan namin. Oo nakakagalit ang ginawa niya sa akin pero kaibigan ko siya eh at parang kuya ko na din.

Pagkatapos ko maghilamos ay sumunod na din ako kay Nanay at naabutan ko siyang nakaupo na sa hapag-kainan habang nilalagyan ng pagkain ang aking kainan.

Hindi naman kalakihan ang inuupahan namin dahil di naman kami mayaman. Ang tanging trabaho lamang ni Nanay ay mananahi sa isang kompanya.

Kaming dalawa nalang ni Inay dahil iniwan siya nang magaling kong Tatay na hindi ko alam kung saang lupalop na napadpad.

Hapon ang aking Tatay nakilala daw iyon ni Nanay sa kompanya na pinatratrabahuhan niya, isang investor daw ang Tatay ko doon. Tapos na inlove sila sa isa't-isa at ito ako ngayon ang naging bunga pero akala ni Nanay eh happy ending na ngunit nalaman nalang ni Nanay na may pamilya pala ang Tatay ko sa Japan.

La Bestia [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon