CHAPTER 5

422 19 36
                                    

Dariel Davis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dariel Davis

DALAWANG ARAW na akong nandito naka-kulong sa penthouse ni Connor. Hindi manlang ako makatapak sa labas ng pintuan niya dahil lahat ng kilos ko ay nakadikit ang kaniyang mga mapanuring mga mata.

At hanggang ngayon ay nahihirapan akong maglakad dahil sa ginawa niya sa magkabilaang pisngi ng aking pang-upo.

Sobrang masakit dahil hindi niya talaga tinigilang paghahampasin hangga't hindi ito namamaga. Naawa ako sa aking pang-upo ng makita ko ito sa malaking salamin niya sa banyo. Bakat na bakat ang kaniyang malalapad na kamay.

Nung mga oras na iyon ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak dahil sa sakit ng kaniyang ginawa. Kahit anong pakiusap ko ay hindi siya nakinig. Parang napakalaki naman ng kasalanan ko sa kaniya samantalang siya itong may ginawang hindi maganda sa akin.

Kaya hindi na ako naka-angal sa ginawa niyang pagkulong sa akin dito sa penthouse niya dahil baka masaktan niya ako ng tuluyan pero pananakit naman na ang ginawa niya kaya halos di ako makalakad ng maayos, bawat galaw o lakad ko may kirot at hapdi akong nararamdaman.

Sa dalawang araw na nandito ako kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ni Connor sa akin. Minsan nagigising ako dahil sa sakit at mabubungaran ko siyang kinakagat o sinisipsip ang aking leeg. Mayroon pang isang beses na nagising ako dahil hindi ako makahinga at pagdilat ko ng mata ko bumungad agad ang mukha niya at ang kaniyang mga labi ay nakapalapat sa aking mga labi.

Magkatabi din kami matulog dahil wala akong magawa kapag pumalag ako sa gusto niya sigurado ako na may hindi siya magandang gagawin sa akin. Sobrang maiksi lang ang pasensiya ni Connor at iba din siya magalit. Ngunit bakit ako ang sumasalo ng demonyong pag-uugali niya.

Sobrang nagbago ang ugali ni Connor although alam ko naman na ganyan talaga ugali niya pero hindi ko naman inaasahan na ako din pala ang makakaranas ng mala-impyerno niyang ugali.

Ang dati na mabait at ni minsan hindi ako sinasaktan ngunit ngayon kapag nasa tabi ko siya lagi siyang may ginagawa na ikinatu-tulo ng aking mga luha.

Kaya minsan gusto ko nalang huwag matulog para di siya makatabi sa pagtulog dahil ginagawa niyang laruan ang katawan ko bago siya makatulog, nasasaktan na ako sa mga bawat hawak niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Parang lagi siyang gigil at hindi niya nakokontrol kaya nasosobrahan pero wala naman akong magagawa dahil wala manlang ako sa kalingkingan ng kaniyang lakas.

Kaya umiiyak nalang ako ng tahimik hanggang sa nakakatulog nalang ako dahil sa sama ng loob na dulot ni Connor sa bawat araw na dumadaan. Parang naiisip ko kung kakayanin ko pa ba ang mga susunod na araw na dadaan na kasama siya sa iisang bubong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

La Bestia [BxB]Where stories live. Discover now