CHAPTER 3

317 26 47
                                    

Dariel Davis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dariel Davis

NAKARATING kami sa penthouse ni Connor. Binuksan niya ang pintuan pero nanatiling hawak niya ang aking pulsuhan, walang nagsasalita sa amin kita ko ang bawat pag-igting ng kaniyang mga panga.

Pagkasara niya ng pintuan ay dumiretso kaagad kami sa kaniyang kwarto, pagkapasok namin ay pabalya niya ako ibinato sa kama kaya napahiga ako at medyo napalakas ang bagsak ko kaya napa-aray ako sa sakit.

"Bakit mo kausap ang babae na iyon, may gusto ka ba sa babaeng yun ha!" medyo may kalakasang tanong niya kaya napapitlag ako.

"Huwag mong sabihin na nagiging straight kana, kaya ka ba hindi pumasok ng isang linggo para humanap ng babae, para ipamukha sa akin na hindi mo gusto sa akin kasi straight kana." parang nangaasar na sabi niya sa akin. Naglakad siya palapit sa akin kaya na-alerto ako. Tumayo agad ako at saka dumistansya sa kaniya.

"Sandali Connor makinig ka muna sa akin pag-usapan natin ng maayos ito, mali ang iniisip mo." pakikiusap ko sa kaniya pero madilim lamang siyang nakatingin ng diretso sa akin.

"Kaya kitang patawarin sa ginawa mo sa akin Connor huwag mo lang sayangin pagkakaibigan natin, please Connor nagmamakaawa ako sayo." pagmamakaawa ko at parang gusto nang kumawal nang aking mga luha.

"Diba sabi ko sayo na ayaw ko ng pagkakaibigan, sawa na ako na maging kaibigan lang ang tingin mo sa akin." gigil na sambit niya.

"Connor baka nabibigla ka lang sa nararamdaman mo, saka patawad talaga Connor pero hindi ko kayang ibigay sayo ang pagmamahal na hinahangad mo, tanging pagkakaibigan lamang talaga kaya kong ibigay." lintaya ko at may ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata.

"Sarili ko ito kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ko, kung hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal na gusto ko pasensiyahan tayo little kitten." nakangising wika niya kaya napailing-iling ako.

"Connor please huwag ganito, kaibigan mo ako, sasayangin mo nalang ba ang pagkakaibigan natin dahil lamang sa kagustuhan mo na ipilit ang sarili mo sa akin kahit na ayaw ko naman. Hindi mo pwedeng diktahan ang puso at isip ko kung sino ang dapat kong mahalin. Hindi mo pwedeng ipilit ang bagay na hindi naman pwede." naiiyak na lintaya ko habang pinipilit ko na pigilan na tuluyang umagos ang masaganang luha sa aking mga mata.

"Walang bagay na hindi pwede kung gusto mo talaga little kitten, kung gusto maraming paraan, ito ang paraan ko para makuha ka kaya hindi mo na mababago pa ang isip ko." nakangising sambit niya tila walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan ng kaniyang mga gagawin.

"Isang linggo akong nagtiis na hindi ka makita para lang makapag-isip-isip ka pero yun lang ang ibubungad mo sa akin, at talagang dito pa sa eskwelahan ko kayo maglalandian, tandaan mo little kitten hindi mo na ako kaibigan ngayon dahil ako na ang nagmamay-ari sayo." gigil na wika niya.

"Unang-una sa lahat hindi ko siya babae Connor at wala akong kalandian na kahit sino man. Alam mo Connor nahihibang kana, maraming nagkakandarapa sayo diyan kaya sila ang balingan mo huwag ako dahil kaibigan mo ako at hindi mo ako pagmamay-ari dahil hindi ako bagay para maging pagmamay-ari ng kahit sino." mahabang lintaya ko.

"Oo nahihibang na ako dahil sayo little kitten. Oo hindi ka magiging pagmamay-ari ng kahit sino maliban sa akin dahil akin na akin ka little kitten." parang baliw na sabi niya.

"Tigilan mo na ito Connor. Kung hindi mo ito titigilan ako na mismo ang gagawa ng paraan para matigil ang kabaliwan mo." pagbabanta ko kay Connor, alam ko naman na walang papakinggan ang isang ito kundi ang sarili niya lang.

"Anong gagawin mo little kitten? aalis ka at magtatago ka ganun ba ang balak mo na gawin. Sasabihin ko na kaagad sayo little kitten na ang mundong ginagalawan mo ay umiikot lamang sa mga palad ko kaya hindi mo ako matatakot sa mga sinasabi mo. Lahat ng gusto ko nakukuha ko santong dasalan man yan o santong paspasan pa." kalmado pero madidinig mo ang panganib sa bawat salitang binibigkas niya.

"Kung hindi kita makakausap ng maayos Connor siguro kailangan ko nang umalis, salamat nalang sa oras mo." wika ko saka pinunasan ang aking pisngi na may munting luha.

"At sinong nagsabi na aalis ka pa dito?" nakangising sabi niya saka ako hinila upang magdikit ang aming mga katawan.

"Ahh-ano ba Con-nor bi-tawan mo nga ako, aalis ako dahil gusto ko at ayaw ko dito, marami pa akong mas mahalagang bagay na dapat asikasuhin kaysa intindihin ang mga kahibangan mo na wala namang patutunguhan." nagpupumiglas na sambit ko habang pilit ko siyang itinutulak palayo pero talagang iba ang lakas niya kumpara sa akin.

"No, isang linggo ka na hindi nagpakita sa akin kaya napakarami ang nagdusa sa mga kamay ko. Ngayon bilang parusa sayo isang linggo ka din na makukulong dito sa penthouse ko, diba maganda yun makakasama mo ako." bulong niya sa may tenga ko at naramdaman ko ang mahinang pagkagat niya sa aking tenga.

"Bakit ka ba nandadamay ng mga walang kasalanan ha, may sira ka ba sa ulo Connor, hibang kana bitawan mo ako lalabas na ako." bulyaw ko sa kaniya. Pilit kong kumakawala pero parang ako lang ang nauubusan ng lakas sa ginagawa ko.

"Dahil sayo kaya ko nagagawa lahat ng ito kaya sige umalis ka! lumabas ka para bukas na bukas din bubungad sa harapan ng bahay niyo ang ulo ng babae na kausap mo kanina." pagbabanta niya kaya bigla akong nangilabot sa kaniyang sinabi.

"Sige layas, hintayin mo nalang ang surprise ko sayo bukas ng umaga, now leave the door is widely open for you little kitten." nakangisi na sabi niya saka ako binitawan ngunit parang naghina ang mga tuhod ko dahil kilala ko siya na kapag sinabi niya ay gagawin niya.

Tila nawalan ako ng lakas ng katawan at loob na lumabas dahil may isang buhay ang nakasalalay. Ayaw ko naman na sarili ko lang isipin ko, walang kasalanan yung tao.

"Oh ano pang tinatayo-tayo mo diyan diba gusto mo umalis, ngayon binibigyan na kita ng pagkakataon tapos ayaw mo, bakit mahalaga ba ang babae na yun sayo?" lintaya niya pa, napayuko ako at hindi ko na mapigilan pa na mapaiyak.

"P-please ~hik~ C-connor ~hik~ h-huwag mo ~hik~ n-naman idamay y-yung ~hik~ taong w-walang ~hik~ k-kaalam-alam ~hik~ sa n-nangyayari." umiiyak na sabi ko sa kaniya.

"Walang madadamay little kitten kung susunod ka sa lahat ng gusto ko." tugon niya sa akin. Wala akong choice ngayon kundi ang sumunod dahil baka buhay nang iba ang maging kapalit ng kalayaan ko.

"Ngayon little kitten malaya ka na makakalabas pero may mawawalan ng buhay, buhay nila kapalit ng kalayaan mo, ngunit ang problema mananatili ka paring akin." wika niya saka iniangat ang aking mukha at tinignan ako ng diretso sa mata. Sobrang malabo ang paningin ko dahil sa rumaragasang luha mula sa aking mga mata.

"At akin lang my little kitten." dugtong niya pa saka ako hinalikan sa labi hindi din ako makapalag dahil hawak niya ng mahigpit ang aking mga panga. Patuloy lamang ang pag-agos ng masaganang luha ko. Pano kami napunta sa sitwasiyon na ganito.

______________________________________
Hello pi mga kaungol😊Kamusta po kayo? Nandito nanamn si author medyo sinipag mo kaya update muna po tayo dito. Sana po magustuhan niyo. Maraming salamat po. Enjoy reading po mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

La Bestia [BxB]Where stories live. Discover now