Kabanata 2

250 12 13
                                    

Kabanata 2


Arcoiris


"Rhadmus, have you met Neil before?" Enzo asked him in front of me.

Naramdaman ko namang lumayo sa akin si Rhadmus. Nagbaba pa sa akin ang tingin ni Enzo na para bang nagulat siya na mukhang magkakilala kami.

"No, I don't know him." I immediately said.

Napalingon sa akin si Rhadmus sa aking tabi. Gano'n din sila Tita at Lola. Hindi ko tuloy maiwasang mailang.

"Yeah, we already met before. He maybe he just forgot it." Rhadmus then interfere.

Ako naman ang napabaling sa kaniyang gawi ngayon. Nagtaas siya ng isang kilay at mayabang na nagsalitang muli.

"We met at a basketball game kasama sila Rainier, wala ka kasi no'n. He's with his cousins at that time." He continued then went down his eyes on me.

I arched my brows to him as well.

"That's great then! You met Rhadmus na pala hijo," it was Lola who spoke.

"It is not great for me, Ophelia. Excuse me, I want to rest now."

"Ignacio? Maaga pa at hindi pa tayo tapos kuma-"

"Nawalan na ako ng gana. I'm full and I will make my way upstairs so I can leave at this blunt dining." Seryoso at bakas ang pagkadisgusto sa boses ni Lolo nang sabihin niya iyon.

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at saka kami tinalikuran paalis ng hapag. Natahimik naman sila Papa at Enzo, gayundin sila Tita Aurelia, Tita Stella at Tito Leonard. Walang umimik ni isa sa kanila pero ramdam ko sa tingin sa akin ni Tita Aurelia na ako ang sinisisi niya kaya umalis si Lolo sa hapag. Malakas pa siyang bumuntong hininga na nagpayuko sa akin.

"Uhm, pagpasensyahan mo na ang iyong Lolo. Marahil ay pagod lang talaga iyon sa opisina kanina." Ani Lola sa aking tabi.

Nagsalubong naman ang tingin namin ni Papa. He simply gave me a small smile to assure me that everything is fine even I know that is not.

"Rhadmus,"

Natigilan pa muli kaming lahat nang magsalita si Lolo na nasa daan na palabas ng dining room. Hindi niya kami hinarap pero ramdam ko ang awtoridad sa kaniyang boses.

"Yes po, Lolo?"

"Come to my office when you are done eating. I need to know the progress of your work."

"Sigi po,"

'Yon lang at umalis na rin si Lolo. Gustuhin ko mang magpabango sa kaniya ay hindi ko rin maramdaman na dapat ko pa bang gawin lalo na at ramdam ko namang ayaw niya sa akin.

"Pierce, lipat ka ng upuan," I then heard Rhadmus's voice command to Pierce who's comfortably sitting beside me.

"Huh? Bakit? I'm not done eating yet. Fuck off." Pierced uttered in annoyance.

"Gusto ko dito maupo sa tabi ni Neil."

Halos mabilaukan ako sa tubig na ininom ko dahil sa sinabi ni Rhadmus.

"E' gusto ko rin sa tabi ni Neil umupo, so back off." Seryoso at malalim ang boses ni Pierce nang sabihin niya iyon kay Rhadmus ngayon.

Natigilan naman ako sa naging sagot nito.

"Ano ba kayong dalawa Pierce at Rhadmus. Halika rito Rhad, dito ka na sa aking upuan at tapos na rin naman ako sa pagkain." Ani Lola kay Rhadmus na nananatiling nakatayo sa aking tabi.

Tumayo si Lola at tumawag ng mag-aasikaso ng pinggan ng lalaking ito na mauupo sa aking tabi. Hindi ko naman siya binalingan ng tingin nang makaupo siya sa aking tabi. At nang mapatingin ako sa harapan ko ay nakita kong nakangisi sa akin si Enzo. Napanguso naman ako. What's with the smirk.

Fill My Naked Empty Space | Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt