Kabanata 23

182 8 7
                                    

Kabanata 23






Ring







Sabay na sabay na napatingin sa akin si Nics at Pierce nang sabihin ni Rhadmus na ako ang magiging best man niya. What the fuck? Is he fucking serious about it? Damn it.

I don't even get why he chooses me. We are not even that close. Nagkakilala at nagkasama lang naman kami magmula nang manirahan na ako sa mga Gutierrez. He should pick Enzo or Pierce rather than me to be his best man. I would better be an exemption to it.

Especially since our past was a bit vague for me. I don't want to be his best man on his wedding day. That's it.

"Congratulations Kuya Neil! I'll tell Kuya Enzo about it. For sure he will be glad about this news!" Nics giggles in excitement.

"There's no need, Nics. I told him earlier bago ko pa sunduin si Neil kanina." Rhadmus deterred my sister from calling Enzo on the other line.

'Di ko naman mapigilang mapalunok ng malalim habang pinagmamasdan ang tatlo sa aking harapan. Nang mapasadahan naman ng aking paningin ang gawi ni Pierce na may nakakalokong ngising nakaguhit sa kaniyang labi, ay hindi ko alam kung dapat ba akong magdiwang na ako ang pinili ni Rhadmus na gawin niyang best man.

Mahina akong napabuntong-hininga na nagbaba ng tingin sa aking pinggan na wala ng lamang pagkain. Ramdam kong nananatili pa rin sa akin ang tuon ng mga titig ni Rhadmus. Seryoso...mariin. Kaya naman nang hindi ako makumportable sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ko napigilan pa ang sarili kong magsalita.

"Bakit ako ang best man mo?" Wala sa katinuan kong tanong sa hapag nang hindi ko na alam ang dapat kong maging reaksyon.

Seryoso kong tinapatan ang malamig at seryosong mga mata ni Rhadmus na nakatitig sa akin kanina pa. Seryoso ang tono ng boses ko nang itanong ko iyon sa kaniya pero ang dalawa kong makakapal na kilay ay halos mag-isang linya sa inis. I didn't mean to be mad while asking this thing on him. But I can't help but react naturally...I feel annoyed at him for picking me as his best man. I don't like it... I will never like it.

Nakita kong matigilan si Nics at Pierce sa tono ng naging tanong ko at sa naging ekspresyon ng aking mukha ngayon. Si Rhadmus naman ay nakitaan ko ng saya ang mga mata...marahil ay ikakasal na siya at sa taong mahal niya...at mahal din siya.

Napatiim bagang ako nang ang kumikislap na mga mata ni Rhadmus ay mas dumiin ang mga titig sa akin ngayon.

"I choose you because I believe that you're my best man," he answered bluntly.

I grit my teeth harshly. He chooses me because he believes that I'm his best man, is this man joking me around? And how does that happen? We never had that bond with pure intentions. Dahil pakiramdam ko no'ng mga panahong nakasama ko siya ay pinakitaan lang niya ako ng magaganda dahil sa may gusto siya sa akin. We've never known each other since we were kids. Enzo and Pierce suit the spot of best man instead of me.

"Bakit Neil, ayaw mo ba?" Pierce then suddenly asked. Bizarre.

Agad naman akong napababa ng tingin sa hapag at malalim na napalunok. Ang kaninang masaya nilang mga reaksyon nang sabihin ni Rhadmus na malapit na siyang ikasal ay para bang unti-unting naglalaho dahil sa naging reaksyon ko.

I wet my lips and let a heavy sigh before I answered Pierce's question. "I'm sorry, I just don't feel better today. Mauna na muna ako sa kwarto ko." Ani ko nang hindi tumitingin sa kanilang gawi.

Daglian akong tumayo at walang pag-aalinlangan na umalis na ng hapagkainan. Ramdam ko ang nagugulat nilang reaksyon at nagtatakha nilang mga matang sinundan ako ng tingin palabas ng dining room. Hindi ko na iyon pinabulaanan sa aking isipan dahil ang nais ng utak at katawan ko sa mga oras na ito ay ang makapasok na ako ng aking silid.

Fill My Naked Empty Space | Book 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang