CHAPTER 50

1.2K 74 44
                                    

CHAPTER FIFTY

AUDRA'S POV

"Damn it!". Yamot na mura ko ng may makasalubong akong tatlong armadong lalaki. At dahil nga patungo ako sakanilang direksyon ay mabilis nila akong nakita, kaya naman walang pag dadalawang isip na itinutok saakin ang hawak nilang baril.

Hindi sila basta bastang Gangster, Masyadong mamahalin ang hawak nilang baril. Napansin ko rin halos lahat ng mga nakikita namin ay pare-pareho ng kasuotan. Sino sino ba ang mga taong ito? Papaano nila nakilala ang maloko lamang na si Erin?

Maloko nga lang ba?

Nagulat ako ng sabay sabay na natumba ang tatlong lalaki sa harap ko. Walang bakas ng dugo, pero nangunot ang noo ko ng mapansin ang parang karayom na nakatarak sakanilang leeg.

"Ayus ka lang ba?! Malilintikan kami kapag kahit galos ay meron ka". Biglang sulpot ni Oliver kasama si Olivia

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinuro na lamang ang tatlong lalaking wala nang malay "Kayo ba may gawa niyan?". Tanong ko, sabay naman silang tumango at itinaas ang parehong kamay upang ipakita saakin ang baril

"Karayom lang laman nito. This is not what you think". Wika ni Olivia

"Nasaan ang iba niyong kasama?". Tanong ni Olivia, at doon ko lang naalala sina Glynn. Kaagad akong lumingon sa likuran ko upang hanapin sila.

Nakahinga naman ako ng maluwang ng makitang sumunod pala sila saakin.

"Nababaliw kana ba?! Papaano nalang kung hindi dumating ang dalawang iyan?! Edi tigok kana?!". Sigaw saakin ni Luis munit hindi ko siya pinansin at muling humarap sa kambal.

"Nasaan sila Erin?". Tanong ko ng kay Olivia nakatingin.

"Kasama namin si Tim at Richard.. Pero si Erin hindi". Olivia

"Pero maya't-maya lang ay nandito na yun". Oliver

"Did just Tim and Richard used their damn guns?!". Inis na wika ni Olivia kaya pare pareho kaming napatingin sakaniya. Nagkibit balikat naman si Oliver saka tumalikod at nagpa umunang maglakad papasok sa abandunong Factory.

"Tss. Letche! Ang dadaya!". Wika ni Olivia saka sumunod sa kakambal niya habang nagpapadyak sa inis

"They seem..". Zedrick

"Different". Luis

Hindi namin sila pinansin ni Glynn at sumunod nalamang sa kambal na nakapasok na sa loob, hanggang sa sabay sabay na kaming naglalakad ngunit maingat upang hindi makagawa ng anumang ingay.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!".

Nagkatinginan kaming lahat ng marinig ang mahaba at malakas na tawa na iyon.

"It's Noah". Rinig kong mahinang wika ni Olivia

Napailing naman si Oliver "He just choose hell". Wika nito

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ganoon nalang ang gulat ko ng makarinig ako ng napakaraming kasa ng baril and the next thing i know ay pare pareho na kaming nasa likod ng ulo ang parehong kamay habang naglalakad.

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now