Chapter Thirty One: SUYUIN ANG PNMI

1.5K 101 8
                                    

CHAPTER THIRTY ONE: SUYUIN ANG PRESIDENTE NG MGA ITLOG (PART 1)

ERIN QUINN'S POINT OF VIEW

"Are you confident na mapapasama mo fiance mo?". Victoria asks while she's lying beside me, nandito nanaman kasi sila sa kuwarto ko. kababalik ko lang galing dun sa mga matatandang hilaw, i thought matatagalan ako sakanila pero hindi naman pala. Masyado silang matatakutin para maging isang myembro ng Mafia. Mukha pang lahat sila ay anemic sa sobrang putla tsk tsk!

"Oo naman". wika ko kaya lahat sila napatingin sakin

"Nakakalimutan mo na ba kung paano kayo mag-away nung friday?". Valerie

"Lakas rin ng topak niyo eh. Grabe kayo mag-away tsk". Olivia

"His fault". sabi ko saka umirap

"Now ka lang namin na saw ng ganun. Usually kasi diba you can control your temper". wika naman ni Tim na nakahiga sa dulo ng kama.

"Oo nga! Grabe lodi ko na talaga yang fiance mo kaso nga lang hindi marunong ngumiti". Charles

"He's letting out the demon inside you". dagdag ni Rich habang natatawa

"Ang sabihin niyo gago lang talaga yun tss". naiinis naman na wika sakanila ni Oli

Napailing nalang ako at ipinikit ang mata para matulog, napangiti naman ako ng maramdaman ko ang parehong kamay ni Victoria at Valerie na yumakap saakin. Bukas ko na iisipin kung pano ko makukumbinsi ang hayop na itlog na iyon (-__-)

Kinabukasan maaga akong nagising kaya dahan dahan akong gumalawa at inalis ang kamay ni Valerie at Victoria sa tiyan ko. Nang makaupo ako ay nakita ko sa dulo ng kama si Olivia at Tim na napakahimbing ng tulog. Sa baba naman ng kama ay may nakalatag na malaki at makapal na comforter na hinihigaan ni Rich, Charles, at Oli na ngayon ay tulog na tulog rin. Nasa gitna ni Rich at Charles si Oli. natawa pa ako ng makitang pareho silang nakayakap kay Oli.

Matapos kong maligo ay agad akong lumabas ng kuwarto ng hindi sila ginigising, dumeretso ako ng kitchen at nakitang nasa kalagitnaan ng pagluluto ng agahan namin ang chef kaya hindi na ako tumuloy at naglakad nalang patungo sa swimming pool. Hinubad ko ang suot kong tsinelas saka naupo sa gilid ng pool at inilublob ang pareho kong paa.

"Next saturday, I'm going to London para bisitahin ang negosyo natin doon and i want you and your fiance to come with me".

"Oo nga pala, kailangan kong maisama ang hayop na'yon tsk". I need to convince him or else my babies can't come here ugh!

Mabilis akong tumayo at nagmamadaling umakyat patungo sa second floor kung nasaan ang kuwarto nina Mama. Nang makarating ako sa harap ng pinto nila ay kumatok ako ng ilang beses saka dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tanging ang ulo ko ang pinasok ko.

"Good Morning Sweetie". Mama greeted me and gave me a sweet smile

"Sa itsura mong yan alam kong may kailangan ka. Spill it, why do you want princess?". Papa na galing sa veranda ng kuwarto nila at may dala-dalang tasa at news paper.

Nginusuan ko siya saka pabirong inarapan. Tuluyan naman akong pumasok at naglakad palapit kay Mama na nasa kama parin at nakapang-tulog pa. Tumabi ako kay Mama saka yinakap siya sa beywang niya, tumawa naman siya saka pinulupot ang mga kamay sa akin.

"Awe Honey, naglalambing ang prinsesa natin". Sabi ni Mama kaya napatingin saamin si papa at mabilis pa sa alas kuwatrong lumapit saamin at naupo rin sa kama kaya napapagitnaan na nila ako ngayon.

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now