Chapter Thirty Four: Together in London

1.3K 83 1
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR: TOGETHER IN LONDON DAY 2


ERIN'S POV

"Hayyy salamaaaat!" wika ko saka pabagsak na humilata sa Sofa, it's already 5:30pm here at kadarating lang namin galing sa isang resort na pagmamay-ari ni Tanda. Meron pa kaming dalawang lugar na pupuntahan bukas ng umaga.

"Umayos ka" biglang sabi ni Raz saka hinila ang kamay ko dahilan upang maupo.

"Aray ah!" reklamo ko pero hindi niya ako pinansin at kinuha nalang ang remote n nasa center table saka binuksan ang TV.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan ng palipat palipat siya ng channel.

"Patayin mo nalang kaya kung wala ka naman palang-AHHHHHHHHHHHHHH!".

"Holy-"

"Ilipat mo! Ilipat mo! Pisti ka! Ilipat moooo!"

"Heto na! Heto naa!"

Kumalma naman ako ng ilipat niya ang channel, pano ba naman kasi saktong pagtigil niya sa isang channel ay mukha ng Madre sa Conjuring ang bumungad eh ang laki laki pa naman ng tv nayan.

Hinampas ko siya "Bakit mo kasi nilipat!"

"Malay ko bang yung gagong panget na madre na yun ang lalabas!"

Hindi ko naman siya sinagot at sinamaan nalang siya ng tingin. Tumayo naman ako para kumuha ng Tubig sa Ref pero imbes na tubig ang kunin ko, kinuha ko nalang ang sandamakmak na chocolates na nakalagay doon, kaya abot tenga ang ngiti ko ng makabalik ako ng living room ng penthouse.

"Baliw" sabi niya saka nailing

"Gusto mo?" sabi ko saka inilahad sakaniya ang isang chocolate ng kukunin niya naman iyon mabilis na inatras ko ang kamay ko "Ano ka sinusuwerte?" sabi ko saka siya binelatan at naupo sa tabi niya.

"Kapal ng mukha mong tumabi ah?"

"Makapal rin naman kasi mukha mo". Sabi ko sabay kagat sa chocolate

"Tss"

"Madalas ka ba talaga hindi nagsasalita?" out of the blue na tanong ko sakaniya

"Since birth" he simply said

"Napanood mo na ba yung The Quiet Place? Naks. Kung nandoon ka mamatay na lahat ng tao ikaw alive and kicking parin" sabi ko saka tumawa

"Samantalang ikaw naman ang unang mamatay dahil walang preno yang bunganga mo" sagot niya na nakapagpatigil sa tawa ko, Inirapan ko nalang siya.

"When will you tell me?" tanong niya na agad ko namang nakuha kung anong tinutukoy niya.

"Kapag nasa Los Angeles na tayo" sabi ko

Matapos kong lantakan ang sandamakmakan na chocolates habang walang tigil sa pakikipag asaran sa presidente ng mga itlog ay nagpunta muna ako sa kuwarto para maligo. Matapos ko namang maligo ay agad kong pinatuyo ang buhok ko. Balak ko kasing maglakad lakad sa labas pagkatapos naming mag dinner sa baba sa restaurant ng hotel.

Nang makalabas ako ng kuwarto ko ay sakto namang paglabas ng presidente ng mga itlog sa kuwarto niya at gaya ko bagong ligo rin siya. Agad niya naman akong nakita

"Gaya-gaya?" sabi ko, hindi naman niya ako pinansin at maglalakad na sana para maupo sa couch ng bigla namang tumunog ang cellphone niya.

Sana all may selpon

"Hello?" sabi niya, ako naman ay nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig. Pagkabalik ko naman sa living room kukuha sana ako ng chocolate sa mini ref na nandoon ng magsalita si Raz.

I Love You RazvanWhere stories live. Discover now