Chapter 2

11 2 0
                                    

A/N: Hi! As I publish my 2 first chapters of this story, I noticed na marami talagang errors and pasensiya na dahil hindi naman ako sa mismong app nagsusulat, nag-aauto kasi yung pinagsusulatan ko but don't worry after ko matapos to ay ireread ko tapos i-edit.

And also, nakatanggap ako ng opinions from my friends nung binasa nila yung first chapter. Medyo nalito daw sila don sa flow ng story sa first chapter but don't worry ang technique don is intindihin mong mabuti yung sentences at bakit naging ganoon yung flow niya. Kapag natapos ko na ito, i-edit ko nalang para malaman nyo if backstory ba siya or hindi. Yun lang thankies! Happy reading <3!



******
Warning: Profanaties


I'm on way to school now, nag-aabang na lang ako ng tricycle para may masakyan papunta doon. Kasabay ko dapat si Aisha ngayon pero nang pumunta ako sakanila ay wala na daw siya at pumasok na. Yari yun sakin mamaya sa room.

Pasakay na ako ng tricycle nang may biglang humarang sa harap ko at agad na pumasok sa loob ng tricycle. Nanlaki ang mata ko sa gulat at inis.

"Kuya excuse me, nauna ako sa pila kaya lumabas ka diyan." Saad ko doon sa sumakay sa tricycle. Kanina pa ako nakapila dito tapos uunahan niya lang ako? Aba hindi pu-puwede iyon.

"May pangalan ka ba dito?"

Nagtaka ako sa tanong niya. "Wala."

"May nalagay ba sa tricycle ni Manong na ikaw dapat ang sasakay?" Tanong niya ulit habang diretso ang tingin sa akin.

Nanliit ang mata ko. Ginagago ba ako nito? "Wala din."

"Oh, wala naman pala kaya wag kang magreklamo diyan. Tara na Manong." Umandar na ang tricycle at naiwan akong nakatanga doon.

"Wag ka ulit magpapakita sa akin at baka masuntok kita sa mukha! Argh!" Sa inis ko ginulo ko ang buhok at nagpapadiyak. Ayoko pa naman na nahuhuli ako sa klase ko kaya hangga't maaari eh maaga ako pumapasok.

Nang may dumating na tricycle ay nakipagunahan ako. Wala na akong pake kung mainis sila sa akin, hindi rin naman nasusunod ang pila dito at gusto ko na talagang pumasok.

Madami akong narinig na reklamo pagkalagpas nung tricycle na sinasakyan ko pero wala akong pake. Damay-damay na to' dahil naunahan din ako kanina.

Pagkaparada ng tricycle ay agad akong bumaba at nag-abot ng bayad saka ako tumakbo papasok ng school. Kinuha ko sa bag yung cellphone ko at binuksan ito. May natitira pa akong ilang minute bago magsimula ang klase kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

Usually ang pasok ko kasi ay alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali. Graduating na ako ngayon sa junior high school kaya mahalaga talaga na wala akong palya at baka hindi ako makagraduate.

Simula nang mag high-school ako ay inayos ko na ang pag-aaral ko. Kung dati ay ayos lang kahit hindi ako gumawa ng assignment or project, ngayon hindi na pupuwede yun dahil public school na ito at mahalaga ang bawat requirements dito. Minsan kasi kapag gusto mong pumasa may pa-special project sila sayo, hindi ko naman naranasan na iyon dahil palagi naman akong nagawa ng assignments at projects.

Pagkapasok ko pa lang ng room ay hinanap na agad ng mga mata ko ang mukha ng bruhilda kong kaibigan. Nakita ko naman siya doon sa upuan niya kaya nilapitan ko ito at agad na binatukan sa ulo.

"Aray! Bakit ka naman nangbabatok agad diyan?! Ang aga-aga Susan ha." Hinihimas niya ang kanyang ulo habang masamang nakatingin sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata at pinagsiklop ang dalawa kong braso sa dibdib ko saka mataray siyang tinignan. "Bakit kasi di ka nagsasabi na mauuna ka nang pumasok aber?"

"Biglaan kasi nagtext sa akin ni Maureen na may groupings kami, nakalimutan ko kasi kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo." Paliwanag niya.

"Ulol! Wag ako Aisha. Nakipagkita ka lang sa boyfriend mo." Pang-aasar ko kay Aisha at agad na nanlaki ang mga mata niya.

Hinampas niya ako nang pagkalakas-lakas. "Gaga! Wala akong jowa te', nagka-amnesia ka ba bigla?"

"Tanginamo, ang sakit nung hampas mo. Pag ako nagkapasa, sasampalin kita ng malakas diyan." Banta ko sakanya saka tinignan yung hampas niya, namumula ito at mukhang magkakapasa nga ako.

"Bawi lang." Nagpiece-sign siya saka ngumiti ng pilit.

"Mukha kang tanga. Di ka na sana magkajowa." I rolled my eyes.

"Grabe siya oh! Ang pikon mo talaga. Pakiss nga" Agad siyang pumuwesto at handa na akong halikan kahit anong oras.
"Mandiri ka nga te! Jusko, layuan mo ako please." I pushed her so hard so that she can't reach me. Dugyot talaga tong babaeng to.

Tumawa siya ng malakas at nakahawak pa siya sa tiyan niya. "LT ka talaga kahit kailan Susan." Nagpatuloy siya sa pagtawa kaya iniwan ko siya doon. I don't have time to play around with her, mukha siyang tanga hindi ko nga alam kung bakit ko siya naging kaibigan.

Pumunta na ako sa upuan ko at nilapag doon ang gamit saka ako umupo. Kaunting oras na lang at magsisimula na yung klase kaya inihanda ko na lang ang sarili ko. Wala pa yung seatmate ko, late na naman siya panigurado.

As expected, five minutes before the class na pumasok ang seatmate ko, Si Sir naman ay five minutes after the class hours. Palagi siyang late na pumapasok dahil alam niya kung gaano kahirap sumakay sa umaga, pero dahil doon marami na sa amin ang nagpapalate pumasok. Inaabuso nila yung excuse ni Sir.

"Hirap sumakay." Reklamo nitong kakaupo lang sa tabi ko. "Traffic pa pati. May assignment ba Susan? Pakopya naman ako oh."

"Huwag mo akong pinagloloko Tristan, alam nating pareho na galing ka sa comp shop" Binalingan ko siya ng tingin at ngumiti naman siya sa akin. Guilty.

"Kilala mo na talaga ako Susan." Ginulo niya ang buhok ko kaya agad kong tinanggal ang kamay niya.

"Wag mo ngang ginugulo buhok ko. Mabaho pa naman yang kamay mo." Inayos ang buhok ko, pinagpag ng kaunti para matanggal yung dumi.

"Ang arte mo naman. Di kita ilibre dyan eh!"

"Edi wag! Sinong tinakot mo? Wala ka namang assignment mamaya sa Science." Banta ko sa kaniya saka kinuha ang notebook ko.

To be honest, I'm willing to help them. Papakopyahin ko sila pag kailangan basta may kapalit, I don't want to throw my efforts on trash that's why as much as possible pag tutulungan ko sila may kapalit dapat. Nageffort kasi ako na gawin yung assignment ko tapos sila kokopyahin lang nila at may assignment na sila? Hindi talaga ako papayag na kopyahin nila assignment ko kapag walang kapalit.

"Joke lang! Di ka naman mabiro. Ano bang gusto mo?" Pag-aalo sa akin ni Tristan. Alam ko talaga na hindi niya ako matatanggihan kaya malakas ang loob ko na pagbantahan siya.

"Ikaw." I jokingly said. I will try to seduce him, I want to know what would be his reaction.

Tinulak niya ako. "Kadiri ka gago! Lumayo-layo ka nga sakin."Nandidiri pa yung tingin niya sa akin.

"HAHAHAHAH! Epic yung itsura mo Tan." Humawak pa ako sa tiyan habang tumatawa, epic talaga nung itsura.

"Huwag mo nang uulitin yun, Susan! Baka makagat kita bigla—" Napatikom siya at agad na umiwas ng tingin. "Huwag mo nang pansinin, pakopya na kasi." Kinuha niya sa bag ko yung science notebook ko at agad na kinopya ang sagot ko don.

Nagulat din ako sa sinabi niya at natigilan kaya umayos na lang ako ng upo saka tumingin sa harap. "Nasa bandang dulo yung assignment ko, hanapin mo na lang yung Boyle's Law"


Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango siya kaya bumaling na ako sa harap. Sakto lang ang pasok ni Sir kaya nakinig na ako sa lessons niya at hindi pinansin yung katabi ko.

Smooth lang ang naging flow ng discussions sa mga nagdaang subjects. Wala din naman gaanong recitation at groupings kaya hindi ganon ka-hassle. Nakasagot din naman ako sa ibang tanong, ganoon din ang iba kong kaklase kaya di mo talaga madadama sa room namin ang pagod.

Break time na kaya tumayo na ako saka ko kinuha ang wallet at cellphone ko. Tinigan ko ang katabi ko, hindi na ako nagulat nang makitang natutulog siya. Inuuga-uga ko ang balikat niya para gisingin siya.

"Tan! Bangon! May sunog!" Nakangisi ako habang binabanggit iyon.

Kaagad siyang bumalikwas ng bangon, "Saan? Nasaan ang sunog?" Natataranta niyang sabi habang lumilingon-lingon pa sa paligid.

"Bobo wala! Break time na te', ang sarap pa ng tulog mo diyan." Tumawa ako dahil bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Yari ka sakin mamaya." Banta niya saka siya tumayo at kinuha ang wallet niya. "Tara na." Inakbayan niya ako kaya sumabay na ako sakanya.

"Hoy Susan! Hindi mo man lang ako aayain? Palibhasa nakabebe time ka na naman diyan." Sigaw ni Aisha mula sa room kaya tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkakaakbay ni Tristan.

"Tanga! Ang tagal mo kasi, nagpupulbo ka pa diyan wala namang jojowa sayo sa canteen. Assumming!"

Tinarayan niya ako at lumabas na siya sa room. "Huwag kang sasabay sa akin mamaya umuwi ha."

"Joke lang te', di ka naman mabiro." Kinawit ko ang kamay ko sa kanyang braso at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

Hindi na niya ako pinansin kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong canteen. As usual madaming tao, halos sabay-sabay kasi ang ibang section kaya laging punuan sa canteen. Thirty-minutes lang ang oras ng breaktime, after that ay klase na naman tapos ay uwian.

Naghanap lang kami ng mauupuan at pinagorder na namin si Tristan. Libre nya naman ako dahil pinakopya ko siya kaya di na ako naglabas ng pera, mabuti na din iyon para makaipon ako at mabili yung gusto kong sapatos sa shopee.

After naming kumain ay bumalik na din agad kami sa room. Maaga kasi pumapasok yung next subject teacher namin kaya inaagahan namin umakyat, ayaw pa nuon nang nalalate ng pasok.

Naging smooth lang din ang ilan naming subjects, wala din gaanong ginawa katulad ng sa iba pa namin na subjects. Nang matapos ang klase ay iniligpit ko na ang gamit ko at nag-ayos ng sarili. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at liptint para di ako magmukhang bangkay tignan.

"Aisha! Tara na! Lakad na lang tayo!" Sigaw ko atsaka lumabas ng room. Sa labas ko nalang siya aantayin.

"Sabay ako sainyo." Sabi ni Tristan nang makalapit siya sa puwesto ko. Maayos na siyang tignan kaysa kanina nung gumising siya, mukha siyang tanga kanina.

"Basta libre mo kami kwek-kwek kila Ate Yola."

"Abusado ka na ah" Dinuro pa ako ni Tristan, "Kailangan mo akong ilibre sa susunod."

Nagthumbs-up nalang ako sakanya at kinawayan si Aisha. Kaagad naman lumapit ito at nagsabay na kaming maglakad palabas ng school.

Gaya nang napagusapan namin ay nilibre nga kami ni Tristan ng kwek-kwek. Palagi kaming ganito na tatlo tuwing uwian, naglalakad tapos ay kakain sa kung saan-saan. Madami din kaming pinagkukwentuhan kaya hindi kami naboboring habang naglalakad.

Nang makarating sa kanto ay kumaway na lang kami ni Aisha kay Tristan saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng village namin. Magkapit-bahay lang kami ni Aisha at si Tristan ay sa kabilang kanto pa.

Nagkukwentuhan kami ni Aisha nang mapansin ko ang pigura ng lalaking kasabay namin. Tinitigan ko itong mabuti at nanlaki ang mata ko nang makilala ko ito.

Nilapitan ko ito at hinala sa balikat. "Hoy! Anong ginagawa mo dito? Ikaw yung sa tricycle kanina ha?"

Tumingin siya na parang bored sa akin, his eyes doesn't even shows his interested on me."Anong ginagawa ko dito? Obviously this is where I live. Sino ka ba?"

Nanlaki ang mata ko at hindi ako makapaniwala. Dito siya nakatira? 

Spring SnowWhere stories live. Discover now