Chapter 5

6 0 0
                                    





Kanina pa ako tulala dito sa sakayan ng tricycle. Hindi ko na naman kasabay si Aisha ngayon dahil finafinalize na daw nila yung project nila for science, kaya mag-isa lang ako ngayon papasok.

Dahil sa pagkabored, kinuha ko muna yung cellphone ko para mag-facebook. Mahaba ang pila don sa tricycle at maaga pa naman, wala din kasi gaanong nadaan na tricycle kaya humaba na yung pila.

Binuksan ko muna yung messenger ko at tinignan kung may chats ba about sa school. Binasa ko yung announcement sa gc namin, ang sabi daw ay wala daw klase ng dalawang oras dahil may event daw na gaganapin.

"Buti na lang nagdala ako ng extrang damit." Bulong saka tumango-tango.

Chineck ko ulit yung messenger ko at nakita kong may chat si Tan kaya binuksan ko yun.

Baho: Asan k? Antayin kta s gate.

"Pasakay palang ako ng tricy." Reply ko sa kanya.

Active ten-minutes ago si Tan kaya nag-facebook muna ako at nagtingin ng notifications. As usual, madaming notifications dahil sa mga sharedpost ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakasakay na din ako sa wakas ng tricycle. Nailagay ko na din sa bag ko yung cellphone ko para hindi mawala.

Naalala ko kasi nung minsan na nailagay ko ito sa bulsa ko ay nawala. Butas kasi ang bulsa ko noon kaya nalaglag yung cellphone ko, mabuti na lang at mabait yung nakakuha at binalik sa akin. Regalo pa naman ito ng ninang ko sa akin.

Saktong pagbaba ko ng tricycle ay nasa harap ko na si Tan kaya agad ko tong sinuntok sa balikat.

"Aray! Ang ganda ng goodmorning mo ha?!" Sarkastiko niyang saad.

"Hindi ka na nasanay." I stick my tongue out then walked away.

"Grabe! Inantay na nga kita tapos iiwan mo pa ako. Napakagaling mo talaga Suzzane." Sigaw ni Tan mula sa likod ko. Alam ko nakasunod siya sa akin dahil naririnig ko pa yung mga bulong niya.

Humarap ako sakanya at nag-flip ng hair, "Syempre. Magaling talaga ako sa lahat Tan. Ikaw lang naman ang hindi."

"Hoy! Foul yun ah?!"

Tinawanan ko lang siya saka lumapit sa kanya para sabayan siya ng lakad. Sakto din na paglakad namin ay may namukhaan akong pigura ng lalaki, familiar sa akin yung figure na iyon.

"Si Kai ba yun?" Bulong ko.

"Ha? May sinasabi ka?" Tanong sa akin ni Tan habang dinudungaw ako. "Baliw ka ba Susan at nagsasali ka mag-isa diyan?"

Binatukan ko sya. "Bobo! Baliw ka diyan? Wala yun! Tara na nga!" Hinatak ko na siya paakyat ng room

Madaming tao sa hallway at ang iba sa kanila ay lumalabas na sa room. May event nga daw kasi kaya nagbababaan na ang lahat papuntang quadrangle.

Saktong pagpasok namin sa room ay palabas na din si Aisha.

"Wow! Nagsabay ang mag-jowa." Yan agad ang bungad sa amin ni Aisha. Tinitignan pa kami nang nang-aasar.

"Ulol! Jowa ka diyan! Tabi nga, ibababa ko yung gamit ko." Hinawi ko siya at agad na nagpunta sa upuan ko para ibaba yung gamit ko.

Ganoon din ang ginawa ni Tan. Kinuha ko yung cellphone at wallet ko saka ako lumabas ng room, nasa labas na din kasi si Aisha at inaantay kaming dalawa ni Tan para sabay-sabay na kaming bumaba.

Marami ng tao sa loob ng quadrangle pagbaba namin. Halos nandito na yung lahat ng section na kasabay namin. May iba pa na dumadating pa at yung iba naman ay nasa upuan na nila.

Spring SnowWhere stories live. Discover now