23

210 5 10
                                    

Vince's POV

Karga karga ko si Vince habang naglalakad papunta sa dulo ng harang. Kasalukuyang nagtatraining ngayon si Jaxon.

"Wow! Is that him uncle Vince?" Excited na sabi ni Haze hahang tinuturo yung kotse ni Jaxon na mabilis na tumatakbo.

"Yes. He's inside." Sabi ko sakanya.

"Babe naman e, I feeling ko talaga malalagot tayo."

Binaba ko si Haze sa tapat ng gate, nakasarado naman ito. Hinarap ko si Daisy na kanina pa nag-aalala.

"Babe chill ka lang. Pagkatapos niyang ma-meet si Jaxon, uuwi na rin tayo." Paniniguro ko.

"Tsaka busy pa si Liam sa trabaho. Late pa yun uuwi." Dagdag ko pa.

Alam kong mali rin yung ginagawa namin, pero kahit isang beses, gusto ko ring makita ni Haze yung totoo niyang tatay. He's been idolizing his own dad  for years now. I think he deserves to see him at least once in his lifetime.

"Fine. Pero kapag nabuking tayo ikaw lang yung sisisihin ko ah!"

"Come on babe. What could possibly go wrong?" Paniniguro ko.

Daisy rolled her eyes on me.

"V-Vince..... where's Haze?"

"Andito sa tabi-----"

Nanlaki yung mata ko nang makita na bumukas yung gate sa tabi ko. Napatingin ako sa track------

"HAZE!"

Naglalakad ito sa gitna ng track at hinahabol yung paparating na kotse ni Jaxon. Tangina ang bilis pa ng pagpapatakbo ni Jaxon!

"He's gonna die!" Reklamo ni Daisy.

Shit Jaxon. Wag mong bubungguin anak mo tangina ka.

Agad akong tumakbo palabas at hinabol si Haze.

"Yey Jaxon!" Cheer pa ni Haze.

Tangina nitong batang to, magpapakamatay ata.

"Haze!" Suway ko.

Onting onti nalang at palapit na yung kotse ni Jaxon. Nang makita ito ni Jaxon, agad niyang hininto yung kotse. Napapikit naman ako dahil ayokong makita kung anong nangyari.

"Jaxon Yoshida!"

Teka, buhay siya!

Napamulat ako ng mata. Nakita ko si Haze na nakatayo sa tapat ng kotse ni Jaxon. Ilang inches lang ang agwat nito at mutikan nang mabunggo.

"Haze!" Tumakbo si Daisy palapit kay Haze at sinuri kung natamaan ito. Sumunod nako at lumapit sakanila

Bumaba naman si Jaxon sa kotse niya at hinubad yung helmet.

"What's this kid doing here?" Pagtataka nito.

That's your sperm dickhead.

"Yey Jaxon!"

Kumalas si Haze sa pagkakayakap kay Daisy. Excited itong tumakbo kay Jaxon at niyakap yung binti nito. Bakas sa mukha ni Jaxon ang pagtataka.

"Who's kid is this?" Pagtataka ni Jaxon.

"U-uhm ano, he's-----"

"He's your biggest fan. Kilala ko parents niya. Nakiusap na makipag meet and greet sana in private. " Pagputol ko kay Daisy.

"Oo nga. Tsaka binayaran nila kami ng malaki para lang mameet ka. Birthday niya rin kasi e." Dagdag pa ni Daisy.

Mukhang napaniwala naman namin si Jaxon.

His Seduction [Completed]Where stories live. Discover now