54

879 39 29
                                    

Narration I

"Ate! Baba ka na dito, bilis!"

"Nasa CR ako! Teka lang naman!" sigaw ko pabalik sa kapatid ko, kanina pa siya tawag nang tawag sakin. Nauudlot tuloy iyong pag-jebs ko.

Muntik ko pang mahulog iyong cellphone ko sa toilet bowl nang biglang kumatok nang malakas si Blaise sa pintuan. "Kanina ka pa jume-jebs diyan ate! Napaka-tagal mo!"

"Naparami iyong kain ko, e! Bakit ba ang atat mo?" sigaw ko pabalik pero narinig ko nalang iyong pagtakbo niya pababa ng hagdan. Napairap ako. Hindi ko alam kung ano bang problema nang kapatid ko. Ang aga-aga!

Mabigat sa loob akong bumaba sa sala para puntahan si Blaise.

"Blaise! Bakit ka ba tawag nang tawag! Hindi ko tuloy natapos iyong pag-jebs ko dahil—"

"Hi, Naomi." bati ni Kenzo. Nakangiti at nakatitig siya sakin. Gusto ko nalang na lamunin ako nang lupa. Ramdam ko iyong mabilis na pag-init nang mga pisngi ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" nanlalaki iyong mga mata ko. Si Blaise naman bahagyang siniko si Kenzo habang nakangisi nang malawak.

I clenched my fist. Parang ang sarap manakit nang kapatid. Mahal na mahal ko si Blaise pero minsan nakaka-pikon na talaga siya. Hindi man lang niya sinabing nandito pala si Kenzo! Hinayaan pa niya akong sumigaw kanina pa na jume-jebs ako!

"I want to talk to you... about last night."

"Bakit hindi ka man lang nag text?"

"Hindi ka naman magre-reply." mabilis na sagot niya. Agad akong nag-iwas nang tingin sakaniya. Tama naman iyong sinagot niya, dahil hindi ko siya nireplyan pagkatapos niyang umamin na gusto niya ako.

"Alis na muna ako ate. Nakapaghugas na ako nang mga plato kaya wala ka nang gagawin. Usap na kayo ni Kuya Kenzo." mabilis na paalam ni Blaise at halos tumakbo na siya palabas nang bahay, pero hindi nakaligtas sakin iyong senyasan nilang dalawa ni Kenzo.

Sobrang lakas nang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Napalingon ako sa salamin sa gilid ko at para akong masisiraan nang bait nang makita ko iyong itsura at suot ko sa salamin.

"Upo ka lang muna diyan! Babalik rin ako agad!" sabi ko, mabilis akong tumakbo pataas sa kwarto ko para magpalit at mag-ayos nang itsura.

Napa-face palm ako pag pasok ko ng kwarto. Nakasuot ako nang oversized t-shirt na sobrang luma na dahil marami nang butas at cotton shorts. Tapos iyong buhok ko sobrang gulo nang pagkakaipit ko!

Bakit ba kasi biglang nandito si Kenzo! Alam ko namang pupuntahan niya ako para makapag-usap kami, pero hindi ko naman inakala na ganito kaaga siya dadating! Katatapos lang namin mag-agahan ni Blaise kaya hindi pa ako nakaka-ligo.

Nagpalit ako nang t-shirt at saka maong shorts. Tapos sinuklayan ko rin iyong buhok ko at naglagay ako nang konting blush on at lip tint.

Huminga muna ako nang malalim bago ako naglakad pabalik sa sala. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Kenzo. Nakausap ko si Maddie at Olive kanina, pero naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko.

Oo, gusto ko rin si Kenzo. Pero... natatakot ako. Natatakot talaga akong maulit iyong nangyari dati. Mas matagal kong kaibigan si Trent, simula high school magkaibigan na kami, tapos sa isang iglap nasira iyong pagkakaibigan namin dahil lang sa maling desisyon.

At ayaw ko nang mangyari ulit iyon. Ayaw ko nang pagdaanan ulit iyon.

Pagbaba ko sa sala nakaupo si Kenzo sa sofa habang nakayuko ang ulo niya na parang malalim rin ang iniisip. Ngayon palang, parang ang bigat na nang dibdib ko, iniisip ko palang na mawawalan ako nang kaibigan na kagaya ni Kenzo parang ang sakit-sakit na.

"Kenzo." pagtawag ko sakaniya. Mabilis siyang nag-angat nang tingin at ngumiti sakin.

Bahagya ko siyang nginitian pabalik. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sakaniya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakaniya.

Iniisip ko palang iyong sasabihin ko sakaniya nang makita ko siyang maglakad palapit sakin. Hinawakan niya agad iyong kamay ko na para bang takot siyang tumakbo ako at umalis. Diretso siyang nakatingin sakin.

"I like you, Naomi."

"Kenzo—"

"Let me finish first." pag-putol niya sakin. Huminga ako nang malalim at saka tumango.

Marahan niyang pinisil iyong kamay ko. "I really, really like you and not just as my friend." he paused for a second. "Give me a chance to prove it to you. Give me a chance to show how much I like you. Please? Even just for a week... or 5 days. After that, then you can give me your answer."

Kitang-kita ko sa mga mata ni Kenzo iyong pagiging sincere niya. Kahit siguro hindi siya magsalita, sa pagtitig palang niya sakin, ramdam ko na iyong nararamdaman niya para sakin.

Tama nga ang mga kaibigan namin. Alam ko namang gusto ako ni Kenzo noon palang, pero mas pinipili kong hindi tanggapin sa sarili ko dahil sa takot. Ramdam ko naman, sa kilos at pag-trato niya palang sakin ay iba na.

Nagbubulag-bulagan lang ako dahil ayaw kong tanggapin sa sarili ko na gusto niya ako at gusto ko rin siya.

"Just for 5 days, Naomi. Don't see me as your friend... Treat me as a man who likes you."

Dahan-dahan akong tumango. Mabilis na umangat ang dalawang sulok nang labi ni Kenzo.

"Is that a yes?"

"Yes lodi." sagot ko bago niya ako mabilis na hinila para yakapin.

Sana tama ang desisyon ko at hindi ko pagsisihan ito.

Wrong Side of Love (Wrong #2)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα