101

821 25 71
                                    

MESSENGER
July 27, 2021 | 8:32 AM
Trent Sommer

Trent:
Hey. Can we talk?
seen

•••

Narration III

Pagkatapos kong basahin iyong message ni Trent, hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Ibinalik ko iyong cellphone ko sa back-pocket ng pantalon ko at saka nagpatuloy sa pamimili, nasa supermarket ako ngayon para bumili ng mga ingredients para sa lulutuin kong tinolang manok para kay Kenzo mamaya.

Sobrang nagulat ako sa biglang pag-message ni Kenzo sakin kahapon. Akala ko pa noong una ay namamalik mata lang ako. Ilang araw niya akong hindi kinausap, at sobrang kinakabahan ako sa mangyayaring pag-uusap namin mamaya. 

Hanggang ngayon kasi ay nagi-guilty pa rin ako sa ginawa kong pagsisinungaling. Hindi lang kay Kenzo, pati na rin kila Madz at Olive. Alam kong galit sila sakin. Sobra! Lalo na ang kapatid ko, ilang araw na nila akong hindi kinakausap. At alam ko namang deserve ko iyong galit nila sakin dahil sa ginawa ko, pero nakakalungkot dahil wala akong makausap ni isa sakanila.

Narinig kong tumunog ulit iyong cellphone ko, pero hindi na ako nag-abalang tignan pa kung sino iyon, sigurado naman akong si Trent iyon. Kanina pa niya ako kinukulit na makipag kita sakaniya.

Problemado siya ngayon, pero kailangan ko muna siyang iwasan.

Pagkatapos kong mamili ng mga gulay at manok ay umuwi na rin ako agad. Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si Blaise na nanonood sa sala. Alam kong alam niya na nakabalik na ako, at ine-expect ko na hindi niya pa rin ako kakausapin, alam ko namang galit pa rin siya sakin, pero laking gulat ko nang marinig ko siyang tawagin ako.

Minsan lang kami mag-away ng kapatid ko, at isa na 'to sa pinaka-malaking pag-aaway na nangyari saming dalawa. Talagang hindi niya ako pinapansin ng ilang araw. Ni tignan ako ay hindi niya magawa.

"Ate."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan iyong nagbabadyang luha sa mata ko. Simula nang mawalan kami ng magulang, kinakailangan kong maging matatag para saming dalawa ni Blaise. At sa ilang araw na hindi niya pagkibo sakin, sobrang nalungkot ako.

Siya nalang ang bukod tanging natitirang pamilya ko. At hindi ko alam kung kakayanin ko kung pati siya iiwan ako.

Pasimple kong pinahid ang mata ko bago ko siya hinarap. I plastered a smile on my face.

"Sabi na at hindi mo rin ako matitis, e!" agad na pang-aasar ko, para na rin hindi niya mapansin iyong nangingilid na luha sa mata ko. Mabilis akong inirapan ni Blaise. Ang attitude rin talaga nitong kapatid ko, e! He crossed his arms against his chest.

"Syempre ate kita! Baka kasi mapanisan ka na ng laway kapag hindi kita kinausap ng isang linggo."

"Asus! Palusot ka pa diyan!" he pursed his lips together, trying to hide the smile forming on his lips. "Halika nga dito!" pagtawag ko sakaniya. Agad naman siyang lumapit sakin at mabilis ko siyang niyakap.

I hugged him tightly. Alam kong kaya akong iwanan nang lahat ng tao, pero hinding-hindi ako magagawang iwanan ng kapatid ko.

Mahal na mahal ko 'tong kapatid kong 'to kahit na mas madalas ay mas kampi siya kay Kenzo. Pero hindi naman ako nagagalit kahit na ganon, dahil alam kong alam niyang mali ako. At mas tatanggapin ko pa iyon, keysa kunsintihin niya ako sa mga pagkakamali ko.

"Para kay Kuya Kenzo ba 'yan ate?" tanong niya nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Oo. Lulutuan ko siya ng tinolang manok mamaya." sagot ko. "Uhm, Blaise... May sinabi ba siya sayo kung anong sasabihin niya sakin mamaya?"

Wrong Side of Love (Wrong #2)Where stories live. Discover now