Chapter 4: Sana ako na lang ulit.

8 1 0
                                    

"I-iannounce ko na ang best in investigatory project ngayon at alam niyo naman kung sino ang Top 3 na napili ng ating mga hurado." sabi ng aming science teacher kasi isang linggo na ang nakalipas na natapos na namin ang pagdedepensa ng aming IP sa mga hurado galing sa UP. 

Akalain mo yun? Hindi ko ineexpect na mapapabilang kami sa Top 3 kahit ang dami naming nagpagdaan sa aking grupo at pati na din sa kanya. Nung final defense namin, super napabilib namin ang mga hurado kasi nagulat sila sa resulta ng aming proyekto. Epektib pala yung ginawa naming pagtrtrial and error sa research na to at marami rin kaming mga pagkukulang na variables pero naitaguyod namin lahat ng ito. 

"Ang grupo na best in IP ay ang group nina Adalia!" masayang sabi ni Ma'am Rose. Hindi ako makapaniwala na kami ang makakakuha ng award na yun kasi mahusay ang pagsulat nina Felix at Ericka sa kanilang mga research at palagi silang may mataas na grado kesa sa amin. 

Nagulat ako sa ginawa ni Alex sa akin dahil bigla niya na lang ako yinakap sa likod. Bakit hindi ko ma-proseso na kami ang na nakuha nito? Dahil ba feeling mo ay nakakapanibago na naging epektib kang lider sa iyong grupo? Dahil ba mababa yung grado na binibigay sa inyo pero tignan mo ngayon! Best in Investigatory Project ang grupo mo, Adalia! 

Proud na proud ako sayo dahil nakayanan mo kahit heartbroken ka. 

"Congrats sa atin! Hala hindi ako makapaniwala na makukuha natin to. Thank you sa pinsan mo Austin! Napakagaling niyang mag-suggest!" rinig kong sabi ni Raphael at napalingon ako sa kanilang gawi. Wow, nagkupol-kupol sila dun pero di man lang ako tinawag! napakagaling naman po! 

"Bakit wala si Louis?" mahina kong sabi sa aking sarili ngunit nagulat ako dahil may kumalabit sa aking gilid. 

"Anak ng -"  malakas na sabi ko pero naputol nung nakita ko kung sino ang kumalabit sa akin. 

"Kabayo?" natatawang sabi ni Louis sa akin at napatitig na lang ako sa kanya dahil naguguilty ako kasi feeling niya na mabilis ako maka-move on sa kanya. Ang totoo niyan ay hindi ako maka-move on sa kanya kaya ginawa kong panakip butas si Kevin. 

Miss na kita sobra pero hindi na talaga tayo pwede kasi sigurado na ako sa desisyon ko. Kung may nababalitaan ka sa amin ni Kevin, paumanhin sobra. 

"Uy, bakit ka naiyak?" natatawang sabi ni Louis kaya napabalik ako sa aking katinuan. 

"Psh, pake mo ba." naiinis kong sabi kaya tumayo ako sa aking upuan at iniwan siya dun. Kainis yung lalaking yun, bakit niya pa sinabi yun kaya tuloy napatingin si Kevin sa amin at halatang nagseselos. 

Nang makalayo-layo na ako sa kanya, naisipan kong lumabas at umupo sa hagdan. Dami kong naalala sa spot na to dahil ito yung tamabayan naming dalawa. Dito kami nagrereview tuwing may quiz at exam, nag-away at nag-bati na rin kami dito, at higit sa lahat, dito kami nagkaaminan ng aming damdamin. Si Louis yung pinakamatagal na nanligaw sa akin at akala ng iba ay magjowa kami ngunit hindi pa pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ni-reject ko siya. 

"Joke lang yun ano ka ba." seryosong boses niya kaya pinunas ko ang aking luha ng palihim para hindi niya mahalata na nagbabalik tanaw ako ng aming memories. Iniiwasan ko ang mga tingin niya sa akin habang naghahanap siya ng magandang pwesto sa tabi ko. Bwiset, naiiyak nanaman ako. Kailangan ko talagang sabihin na sa kanya ang totoo para makalaya ako sa nakaraan kahit kaunti. 

"Naistorbo ba kita?" napatingin ako sa kanya at kusang tumulo ang aking mga luha dahil namiss ko siya ng sobra pero nasaktan ko siya kaya hindi niya ako deserve na maging jowa. Naiinis ako sa sarili ko dahil nireject ko siya. 

"Bakit ka umiiyak?" natatarantang sabi niya sa akin kaya yinakap na lang ako para walang makakita na umiiyak ako. Hinaplos niya ang aking likod ng dahan-dahan dahil alam niya kung papaano ako patahanin. 

God's Perfect TimingМесто, где живут истории. Откройте их для себя