Chapter 6

1.7K 39 6
                                    

"AJI, bibilang ako ng tatlo, k-kapag umabot na ako sa tatlo, tumakbo ka ng m-mabilis, okay?" Natatarantang hinawakan ni Candice ang kanyang mukha. May dugo ang mga kamay nito at amoy na amoy niya ang sariwang dugo na nanggagaling sa ulo nito. "Aji, Aji!" Hinawakan siya nito sa pisngi at ipinaharap sa kanya.

"P-Paano k-ka? No, I'm not going anywhere without you!" sagot niya sa kaibigan. Nagsimula siyang umiyak at wala sa sariling pinunasan niya ang dugo sa kaibigan. "We will survive this, C-Candice."

Hindi niya alam kung paano sila napunta sa ganoong sitwasyon. Ang alam niya lang ay sinundan nila ang kaibigan niyang lalaki dahil sinabi nitong birthday nito. So, as a good friend, she said yes to his invitation. Isinama niya si Candice para hindi siya payagan ng kanyang kapatid.

When she's Candice, she feels safe. Alam niya kasing hindi siya pababayaan ng kanyang kaibigan. Candice is selfless when it comes to her.

A teardrop fell from Candice's eyes, "G-God, you're bleeding, Aji. . . " Hinawakan pa nito ang ulo niya at naramdaman niya ang pagbalot nito ng panyo sa kanyang noo. "S-stop bleeding please, stop it."

"C-Candice you're bleeding too." Nanginginig ang kamay niyang pinatigil ang kaibigan sa ginagawa nito.

"Kaya ko pa ito, Aji. . . Bibilang na a-ako."

"Girls! Where are you? Yuhoo?" A laughing man's voice made her tremble in fear. Naramdaman niya ang kamay ni Candice sa kanyang bibig na tila ba pinipigilan nito ang kung anong ingay na magagawa niya.

Alam niyang natatakot din ang kaibigan dahil paulit ulit itong nagdadasal sa tabi niya. She keeps on saying the words "Lord, help us", and she keeps on biting her lower lip, trying to suppress any noise that may come out from it.

"Stop playing. . . the game's over, my girls. How about you show yourself to me and let me take you to heaven?" Tumawa ang lalaki at alam niyang naglalakad lakad iyon para mahanap sila.

Mas lalo silang nagsumiksik sa loob ng walk in closet. Her tears won't stop falling. Takot na takot siya. Hindi niya alam ang gagawin niya.

"Shhh. . . I'll keep you safe, Aji. Promise. Po-protektahan kita, bff."

"Kapag hindi kayo lumabas, pasasabugin ko mga bungo ninyo," madiin at nakatatakot na banta sa kanila ng lalaking naghahanap sa kanila kaya nanigas siya sa kanyang pwesto.

"Aji. . . shh, don't worry, I got you. Okay?" naramdaman niya ang paghalik ng kaibigan sa kanyang ulo. Punong puno na ng dugo ang kanilang uniporme, may punit na rin ang manggas ng kanya at ang high socks naman ni Candice ay punit punit na kaya hindi niya maiwasan ang maluha.

Nanginginig ang kamay niyang tinatanggal ang kamay ni Candice sa kanyang bibig. "I'm s-sorry bestfriend--"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang may magbukas na sa walk in closet na pinagtataguan nila.

"Hey there!" Ngumiti ng nakaloloko ang lalaking nakahanap sa kanila at akmang hahawakan na sana siya nang sumigaw si Candice.

"Aji, 1, 2, 3! Run!" Hindi na siya nagdalawang isip pa at nawala na rin sa kanyang isipan ang kalagayan ni Candice. Tumakbo siya nang itulak ng kaibigan ang lalaki pero sadyang malakas iti at naabutan siya. Pabagsak na itinulak siya nito sa sahig at tumama ang kanyang ulo.

Her whole vision is spinning. Nangdidilim na rin ang paningin niya at may mga naririnig siyang mga ingay.

"Aji! No!" narinig niyang sigaw ni Candice bago ang malakas na tili nito. Naramdaman niya ang paglapit sa kanila ng ilang kalalakihan at naramdaman niya ang paghaplos ng mga ito sa kanyang hita.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora