Chapter 24

1.3K 40 9
                                    

TATLONG minuto pagkatapos niya magpadala ng mensahe kay Speed ay nakita niyang umiilaw ang kanyang telepono. He's now calling her so she immediately picked her phone up.

"Baby?" tawag nito sa kanya. Napangiti naman siya dahil doon. Bumalik na sila ni Speed sa dati. . . nagkaaayos na sila ng binata noong naulanan sila. Surprisingly, mas naging attentive na si Speed sa kanya. . . nasobrahan nga lang.

"Hey," she sleepily answered him. "Bakit tumawag ka pa?" Humikab siya at minasahe ang kanyang balikat. She moaned because of that.

Narinig niya ang bahagyang pag-ungol ni Speed na tila ba nahihirapan sa kabilang linya. "Baby, don't moan like that!" sita nito sa kanya.

"Inaano kita diyan? Matutulog na ako sabi ko sa'yo." Pinaikot niya ang kanyang mata na tila ba nakikita iyon ng binata.

"Baby, you're moaning like you are teasing me. Tinawagan lang kita kasi gusto kong marinig ang boses mo."

"Anong connect sa galit mo sa'kin ngayon?"

"Bakit ka kasi umuungol?" protesta nito sa kanya. "I'm hard as rock here."

Kitang kita niya sa salamin na nakapatong aa kanyang study table ang pamumula ng kanyang pisngi. She moaned in annoyance because of that. "Ang bastos bastos mo!" nahihiyang anas niya sa binata.

Narinig niyang humalakhak ito sa kabilang linya. He's laughing wholeheartedly now and that made her smile. Malayong malayo na naman ang inaasta nito kaysa sa nakita niya noong nakaraang linggo.

Well, that's Speed, he is truly amazing. He is full of surprises.

"Bahala ka sa buhay mo, bababaan na kita ng  telepono."

Tumigil sa pagtawa si Speed at tumikhim ng ilang beses. "Ano bang masakit sa'yo?" malambing na tanong nito sa kanya, "may problema ka ba, Awesome?"

Natigilan siya dahil sa tanong nito sa kanya. Now, he is asking her, now he is asking what is she feeling.

Napangiti siya ng marahan dahil doon. Kailangan pa talaga yata nilang mag-away para matuto silang dalawa. Totoo yata ang sinasabi ng ibang tao na kapag nag-aaway ang magkasintahan kapag nagkabati ang mga iyon ay mas tumatatag ang relasyon nila. Well it's making their relationship stronger. . . Dahil may aral sa bawat pagtatalong iyon. Mabuti at naayos nila ang sa kanila.

"W-wala naman," she lied. Ang totoo niyan ay sobrang sakit ng balikat niya. Napasobra yata siya sa pagbuhat sa kanyang mga estudyante kanina at hindi lang iyon. Sa dami ng ginagawa nila ngayon, walang pahinga ang kanyang katawan.

"Liar," Speed answered. "Sabi mo walang magsisinungaling sa atin. You told me to be honest with each other, baby."

Napakagat siya ng labi dahil sa sinabi nito sa kanya. Oo, sinabi niya noong nakaraan na walang magsisinungaling sa kanilang dalawa. Magiging honest sila sa isa't isa. That's her request. Ayaw niya kasing magsinungaling na naman ito kapag may pupuntahan. . . mas gusto niyang masaktan soya ng katotohanan kaysa mawasak siya kapag nalaman niyang nagsinungaling ang binata.

"Sorry," mahinang daing niya.

Speed sighed, "sabihin mo muna ang gwapo ko."

Umirap siya dahil sa sinabi ng binata. Heto na naman ang pagiging self conceited nito.

"Ang kapal ng mukha mo, Speed."

Tumawa ito ng malakas sa kabilang linya. " Joke lang naman, baby. Pero tulo laway ka noong unang nakita mo ako sa parking lot noon." Tumawa ulit ito at tila ba inaasar siya.

"Ang kapal ng mukha mo, ikaw ang tumutulo ang laway noon. You even talked to me, duh."

"I'm not drooling back then, baby. . . ngayon na lang," malakas na halakhak nito sa kanya.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Место, где живут истории. Откройте их для себя