Chapter 11

1.5K 39 7
                                    

"LET'S GO, AJI!" Hinila ni Spec ang manggas ng kanyang bestida kaya naman napasimangot siya ng bahagya dahil doon.

"Stop pulling my dress, Spec!" she rolled her eyes. Inayos niya saglit ang nakusot na manggas ng kanyang dress at tinignan ang kapatid. "Why do I need to go with you? Dito na lang ako."

Umiling ang kakambal at ngumiti ng bahagya sa kanya. Pain, misery and sadness is visible in his eyes. "If I let you alone here, I know. . . you'll end your life." Huminga ito ng malalim at tsaka siya tinignan. "I told you, I can't let you do that."

"Pagod na ako. . ." mahina ang boses na saad niya sa kakambal. "Pagod na pagod na ako, Spec. . . sobra," nagsiunahang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya alam pero nang sabihin niyang pagod siya. . . alam niyang totoo iyon.

She's so tired. . . tired of hurting herself, tied of the nightmares, tired of feeling the guilt. . . tired of living.

Nagmamadaling pinunasan ng  kapatid ang mga luha niya pero mas lalo lamang siyang humagulgol dahil doon. "Pagod na pagod na ako, Spec. . . sige na, hayaan ni'yo na ako," pagmamakaawa niya sa gitna ng kanyang mga hikbi. Her sobs is filling the whole room. Papalakas nang papalakas iyon hanggang sa buong kwarto ay napupuno na ng kanyang hikbi.

"No." Umiling ang kakambal at nakita niya kung papaano tumulo ang luha nito. "Aji naman. . . " Spec wiped his own tears before looking again at her. "I can't. . . we can't let you go."

Mabilis na niyakap siya ni Spec at naramdaman niya na lamang ang pagdampi ng labi nito sa kanyang ulo pero kahit ganoon ay hindi pa rin kunakalma ang kanyang sarili. She's still hurting, breaking and dying inside.

"Tahan na, let's go to the church." Spec kissed her head once again. "Believe me, this one helped me back then."

"Then can I bring my friend?" Aayain niya na lang si Speed dahil sa kanilang dalawa, si Speed ang mas may malaking chance na gumaling. Speed is just a little bend but she. . . she's already broken. . . shattered.

"He or she?" Spec asked her a little bit suspiciously. May kislap ang mga mata nito na tila ba sinasabi sa kanyang masaya itong may kaibigan siya. Pero ang isang emosyon ay nagpapakitang tila hindi ito sigurado sa kanyang kaibigan.

"Former."

"Okay, okay. A friend, huh?" He smiled at her once again. There's a hint of playfulness visible in his eyes.

She sighed. Hindi totoo ang iniisip ng kanyang kakambal. Alam niyang hindi ganoon ang score sa kanila ni Speed at ayaw niya ring umasa dahil alam niyang wala ring patutunguhan iyon. Speed is a broken man and so is she. "He's just like me, Spec. . . he's a broken man too."

Spec nod his head and gave her a sad smile. Tila ba sinasabi ng kakambal na naiintindihan siya nito. "Okay call your friend."

Mabilis na kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang sling bag at tinawagan si Speed. Mabilis namang sinagot iyon ng binata.

"Hey, my baby Awesome. . . miss me?" bungad nito sa kanya. She just rolled her eyes in annoyance. Ang landi landi talaga ng binata kahit kailan. Kung kanina ay tila hirap na hirap siyang huminga, ngayon ay tila gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ang boses ng binata.

"Aayain sana kita sa church. . . "tinignan niya ang kakambal na pinanonood siyang kausapin si Speed. Mabuti na lang at hindi naka-loud speaker ang kanyang cellphone dahil kung hindi ay baka iba na naman ang iniisip ng kanyang kakambal.

"Church?" Speed asked her. Para bang hindi makapaniwala ito sa narinig. Pati rin naman siya ay hindi makapaniwalang pupunta siya ngayon doon. Ilang taon na siyang hindi tumatapak sa loob ng simbahan.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora