🌠26🌠

195 18 7
                                    


Hello readers!

I'm back......finally nakapag-update din for how many weeks! 

--------------------------------------


~For their Children~


NAGULAT si Emma ng makita si Mrs. Lilith sa labas ng pinto sa condo unit niya. Ni hindi siya makakibo ng ngumiti ito sa kanyang harapan at ito na mismo ang pumasok sa loob ng bahay niya dala-dala ang mga laruan na pambata.

"Nasaan na ang mga apo ko?"

"Po?" nalilitong tanong niya ngunit hindi siya nito pinansin sa halip ay tinawag nito ang mga tauhan na tingin niya ay halos sampong mga maid ang may dala-dalang laruan na iba't-ibang klase kasama na ang mga pagkain na sa tanang buhay niya ay hindi pa niya natitikman.

"Ipasok niyo na 'yan at siguraduhin niyong hindi magagasgas ang mga 'yan."

"Yes, Madame!" wala nang magawa si Emma nang pumasok na ang mga ito sa loob at isa-isang nilalagay ang mga mamahaling laruan. Nasapo na lamang ni Emma ang noo ng hindi na siya makagalaw dahil wala nang espasyo ang bahay niya sa mga naglalakihang laruan.

"Mama, nanalo ba tayo sa lotto, ba't ang dami pong toys?" inaantok na sabi ni Heaven at humikab pa ito. Tila nagising ang anak niya sa ingay na nangyayari sa bahay niya.

"Instead of buying a lot of toys, sana bumili na lang po kayo ng mga mas importanteng bagay Mama like books." Napangiwi si Emma sa sinabi ng anak niyang si Reaven.

Kahit isang sintimo ng pera niya ay hindi siya bibili ng mga ganitong bagay ang mas importante lamang sa kanya ay ang mag-ipon kung sakaling may emergency ay may pera silang magamit. Tsaka, wala naman din siyang ganyang klaseng pera para pambili ng mga laruan.

Napailing na lamang si Emma. Gusto niyang ipaliwanag na hindi siya ang bumili ng mga iyon ngunit naudlot lamang ng lumapit sa kanila ang matandang babae at gigil na gigil na yumakap sa anak niya.

"Hay, sa wakas nadinig din ang panalangin ko salamat lord! Ang gwapo at ang ganda ng mga apo ko. Pa kiss nga! Mwaahh!"

Hindi alam ni Emma kung matutuwa ba siya o, maawa sa nakikita niya. Mahigpit na yumakap si Mrs. Lilith sa dalawang anak niya na tila naguguluhan pa sa mga nangyayari.

"Sino po kayo?"

"Ako ang maganda niyong lola." Sagot nito at lumingon ito sa direksyon niya. Tila nagtatanong ang mga ito kung totoong lola nila ang nasa harapan nila. And Emma nodded and the two of them jumped and hug their grandma.

"Lola! Good morning po!"

Tumawa lamang ang matanda.

"Sige na, tingnan niyo ang mga dala kong laruan mag-uusap lamang kami ng Mama niyo."

"Okay po." Dali-daling hinila ni Heaven ang kapatid na nakatayo pa rin sa harapan nila at tila ayaw pang umalis.

"No, I want to stay here." Napabuntong hininga si Emma saka napaupo.

"Baby, diba sabi ko bawal makinig sa usapan ng mga matatanda. Kaya samahan muna si Heaven."

Reaven was pouting at her and just left. Tumawa lamang ang ginang nang makita ang anak niya na naiinis sa kanya.

"Para siyang si Jayden 'nong five year old, naka-pout ang labi nito kung hindi siya mapagbibigyan sa gusto niya." Ngiti ni Lilith nang ihatid niya ng tingin ang anak niya. Tumuloy ito sa loob ng kwarto at doon naglaro kasama ang kakambal nito na si Heaven.

UD2 | The VowsWhere stories live. Discover now