🌠2🌠

799 33 3
                                    

Hi guys!

Sorry if matagal akong nag-update may inaasikaso lang ng kunti. But anyways...here it is!

Happy reading mina-san!

------------------------------------



Chapter 2


-The Superwoman-


ISANG MALAKAS na sampal ang ibinungad ng kanyang ama nang dumating si Emma sa bahay nila.

"Saan ka na naman nagpunta? Aba, himala yatang ang aga mong dumating ngayon!?"

Nanggagalaiti ito sa galit ng tingnan siya sa harapan nito. Hindi mapigilan ni Emma na mapaluha ng dumanti ang palad nito sa pisngi niya.

Ngunit pinilit niyang huwag umiyak sa harapan nito at sa halip ay tiniis niya ang mga sermon ng ama niya. Na may halong hinanakit dahil hindi niya naituloy ang pangarap niya na maging madre.

Naalala pa niya nuon ang laki ng ngiti nito na halos abot tenga dahil nakapasa siya sa entrance exam, halos todo papuri ang natatanggap niya sa panahon na 'yon. Pero ngayon tila para na siyang hangin kung iturin ng ama niya.

Hindi naman masisisi ni Emma ang ama niya. Aminado siyang may kasalanan siyang ginawa at alam niyang sobrang nasaktan din ito dahil sumamang gumuho ang pangarap nito na maging madre siya.

Inilagay ni Emma ang dalang plastic folder sa mesa. Kasalukuyan siyang naghahanap ng trabaho ngayon matapos siyang magtapos sa pag-aaral ng Toursim.

Kapag nakahanap siya ng trabaho ay naisip niyang hindi na siya pag-iinitan ng ama niya. Lagi na lang kasi napapansin ng ama niya ang mga pinaggagawa niya.

UD2 | The VowsWhere stories live. Discover now