🌠4🌠

738 32 1
                                    


Hi guys!

Merry Christmas to all! 🎄🎄🎄 


------------------------------------



The Encounter





MASAYANG LUMISAN sina Emma at Misty sa probinsya ng Cebu.

Sobrang tuwa niya nang malaman niyang isa siya sa mga nakapasa sa final interview sa Kellen Corporation. Pati ang mga malapit niyang kapit bahay ay natutuwa rin sa mga nangyayari sa buhay niya.

Sa maliit na bayan ng Sirao, ay alam ng mga malalapit niyang kapit bahay roon kung paano siya namumuhay na mag-isa kasama ang dalawang anak niya. Tila naawa pa ang mga ito sa kalagayan niya dahil todo kayod siya, kaya nang malaman nila na makakapag trabaho na siya sa Manila ay sobrang tuwa nila para sa kanya.

Naiiyak pa nga si Aling Chichay sa tuwa nang malaman niyang makakapunta na siya sa Manila para doon magtrabaho. Nagagalak ito dahil may malaking oppurtunidad ang nag-aabang sa kanya doon. Malaki rin ang ipinagpapasalamat ni Emma kay Aling Chichay dahil doon din siya kumukuha ng mga pagkain niya pang araw-araw sa tindahan nito. Kung minsan pa nga ay umuutang siya rito kung wala siyang pera.

Samantalang kay Mang Berto naman ay malaki rin ang ipinagpapasalamat niya dahil gumagabay ito sa kanya na parang anak na siya nito. Lagi itong nandito sa tabi niya kasama ang asawa nito na si Aling Lore. Tinutulungan siya ng mag-asawa na makahanap nang raket sa trabaho.

Inimungkahi pa nang tatay Berto niya na isama na lang si Nanay Lore para daw magbantay sa dalawa niyang anak. Tiyak magiging abala daw sila ni Misty kapag nagsimula na silang magtrabaho doon. Na bagay naman na sinang-ayunan nang Nanay Lore niya kaya walang magawa si Emma kundi tumango na lamang.

Sa pag-alis niya sa bayan ng Sirao ang lugar na napamahal na niya at pati na rin ang mga tao doon ay ipinapangako ni Emma sa sarili na babalik siya sa bayan na 'yon para tulungan ang mga kapit bahay niya para umahon. Kahit maliit na tulong lang ay gagawin niya.

Napaluha si Emma nang mag-ambag ambag ang mga malalapit niyang kapit bahay para bigyan sila ng pamasahe ni Misty patungo sa Manila. Medyo gipit kasi sila na muntik na silang umatras sa offer ng kompanyang pinag-applyan nila. Ngunit mabuti na lamang ay tinulungan sila ng kanilang baranggay captain at hinikayat na mag-ambag ng pera para sa kanila ni Misty.

"Sobrang thank you Cap! Hayaan mo Cap, pag yumaman ako! Bibigyan kita ng gold coin!" Proud na sabi ni Misty na ikinatawa ng mga kapit bahay nila.

"Gold coin talaga Misty? Aba, 'wag na may fifty centavo kami rito oh, sakatunayan apat pa!" Halakhak ni Pinpin ang tamabay kanto sa bayan nila.

"Heh! Sira, eh, piso 'yan! "

"At least ang apat kong gold coin na centavo ay may nabuong piso! Eh, tayo may nabuo na ba?"

"Kadiri ka Pinpin! Yuck! Yuck!" nandidiring tinalikuran ni Misty si Pinpin at naunang umalis sa kanya. Samantalang binalingan ni Emma si Mang Dodo ang baranggay captain nila.

"Sobrang thank you Cap, hayaan niyo po makakabayad rin ako sa mga tulong ninyo sa akin at kay Misty."

"Ano ka ba, Emma masaya na kami na isa sa mga kapit bahay namin na mabait at masipag ay makitang makaka-angat na rin sa buhay. God never abandoned you hjia, and praise the lord."

"Amen!" Sirit ni Pinpin

"Thank you po ulit Cap,"

"Tsaka kapag mayaman ka na hjia 'wag mo kaming kalimutan ha!" Natatawa nitong sambot.

UD2 | The VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon