🌠Prologue🌠

1.2K 45 12
                                    

Prologue


Present....

"GOOD BYE, 'Em, see you when I see you!" Kumaway sa kanya ang kanyang kasamahan na si Misty. Nauna na itong umalis sa cubicle ng opisina dahil abala pa siya sa pag-aayos ng mga gamit roon. Tiningnan niya din kung naka-off na ang mga computer bago siya umalis.

Matapos niyang magawa 'yon ay kinuha na niya ang kanyang sling bag saka lumabas.

Nasa hallway na siya sa hotel nang madatnan niya si Greg, ang kanilang supervisor sa Paseo Hotel. Isa sa pagmamay-ari nang kapatid ng kaibigan niyang si Lexi. Marco Kellen is a business tycoon hotellier. Marami na itong mga hotel na negosyong pinalago at isa na ang hotel roon sa pinagtatrabahuan niya. Ang kanilang boss ay hindi bumibisita rito, sa halip si Lucy Santos, ang kaibigan niya at secretary ng kuya ni Lexi which is boss naman ng kaibigan niya.Samantalang siya ay isang front desk receptionists sa hotel.

Naiisip lang niya ito masasabi niyang what a small world. Halos iisa lang ang mundo ang kinagagalawan nilang magkakaibigan.

"'Em, uuwi ka na?"

Nilingon niya ito saka tipid na ngumiti.

"Oo, Greg. May dadaanan pa kasi ako."

"Then, ihahatid na kita. Tara," akma sanang kukunin nito ang kanyang sling bag pero hindi niya ibinigay rito.

She knows what he's doing. At iniiwasan niyang huwag ma misinterpret ang ipinapakita nitong motibo. Matagal nang manliligaw niya ang binata pero hindi niya tinanggap ang pag-ibig nito sa kanya, tanging kaibigan lamang ang maibibigay niya rito. Pero pursigido talaga ito sa kanya kaya siya naiilang rito.

"Huwag na Greg, nakakahiya naman sayo."

"No, I insist."

"Huwag na lang. May trabaho ka pa baka---"

"Em, hatid na kita bilang kaibigan. Okay?"

Hindi siya kumibo. Sa totoo lang hindi talaga siya komportable sa ipinapakita nito sa kanya. She knows that he's kind and gentleman, but she can't give her heart to him. Kahit anong pagpapakita nito sa kanya ay hindi niya magawang suklian ng pagmamahal. Kaya nahihiya siya rito.

"Naku, 'wag na lang talaga Greg."

"Em, seriously ihahatid na kita. Huwag ka nang mahiya----"

"Em! My god, sa wakas naabutan pa rin kita!"

Pareho silang napalingon sa labas ni Greg. Nakita niya si Sunee o mas kilala sa tawag na Sandy, ang isa pa nilang koreanang kaibigan. Sandy is half korean and half filipino. Koreano ang tatay nito na hindi nakagisnan ng kaibigan niya dahil naghiwalay ang magulang nito. Sa Pilinas na nanirahan ang inay nito kaya sa Pinas na din ito lumaki.

Lumapit si Sandy sa kanya na hinihingal pa. Lihim siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil dumating ito, kung hindi tiyak hindi na naman siya makakatakas kay Greg.

"Sandy,"

Lumapit ito sa kanya at hinila siya papalabas ng hotel. Ni hindi man lang ito nag-abalang balingan ang kasamahan niya. Wala siyang nagawa kundi nagpahila sa kaibigan kumaway na lamang siya kay Greg at sinenyasan niyang mauuna na siya. Mabuti nga ay nakaunawa ito sa ginawa ng kaibigan niya.

Nang marating sila sa labas ay agad na pumara ng taxi si Sandy at pinauna siyang pumasok. Gusto niyang magtanong kung ano ang nangyayari sa kaibigan niya eh, halata sa mukha ang pag-aalala nito.

"Sans, bakit may problema ba? Saan tayo pupunta?"

Bumuntong hininga muna ito saka siya nilingon.

UD2 | The VowsWhere stories live. Discover now