Chapter 23
A REWARDDIEGO'S POV
"Bolivia." Ang mahinang gising ko sa kanya. Napangiti ako dahil nakatulog siya sa byahe.
Agad naman niyang idinilat ang kanyang mga mata at tumingin sa akin.
"Nandito na tayo." Ang saad ko pa saka ko siya hinalikan sa kanyang noo.
Nagpasya akong dalhin siya sa isa sa mga resort ng pamilya upang makapagpahinga at para na rin sa aming dalawa. Gusto kong iparamdam sa kanya ang gusto kong maramdaman niya na ito ang buhay na gusto ko para sa kanya.
"Seryuso sa inyo 'to?" Ang hindi makapaniwalang saad niya habang nakamasid sa dalampasigan.
"Oo. Kaya bumaba na tayo." Ang saad ko saka ko tinanggal ang seat belt sa kanya. "Come on, mas marami ka pang makikitang maganda sa lugar na ito."
Nauna akong bumaba at sumunod naman agad siya. Hindi maialis sa aking mga labi ang matatamis kong mga ngiti habang nakatingin sa kanya na para bang ngayon lang siya nakakita ng dagat sa buong buhay niya.
"Maganda ba? Nagustuhan mo?" Ang tanong ko sa kanya at mabilis namang lumapit siya sa akin at agad na niyakap niya ako.
"Sobra. Thank you." Ang saad niya pa habang malayang nakatingin sa tanawin sa paligid.
Ang mga ngiti niya, wala akong mabanaag na kahit anong takot sa mga mata niya tila ba nakamtan na niya ang totoong kalayaan. Kalayaan na gustong maranasan ng lahat, kalayaan na tanging hinihiling ng mga taong nais makilala pa ang kanilang sarili.
Hinawakan ko siya sa kanyang kamay habang nilalakad namin ang reception ng resort. Nakilala naman ako ng ilan kaya agad nila kaming inasikaso. Bibihira lang kami pumunta sa mga pagmamay-ari naming mga resorts upang matiyak ang aming kaligtasan at kaligtasan ng mga guests.
Niyakap ko siya patalikod ng makapasok kami sa aming deluxe room. Hinalikan ko siya sa gawing kanan ng leeg saka marahang ibinulong ko sa kanya ang mga salitang,
"Hayaan mong maramdaman mo ang kalayaan na nais mo, walang iisipin kundi ako lamang."
"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan Diego, sa kabila ng lahat ng nagawa ko ay nagawa mo akong mahalin ng walang pag-aalinlangan."
"Bolivia, listen to me," iniharap ko siya sa akin at tiningnan sa kanyang mga mata. Mga matang buhay na buhay sa aking paningin, walang takot, walang pangamba, walang poot kundi ligaya at saya lamang. "Wala akong ibang hinihiling kundi ang kaligayahan mo, kaligayahan nating dalawa. Simula ngayon, lagi mong iisipin na hindi kita pababayaan kahit pa ikamatay ko pa." Ang seryusong sabi ko.
Unti-unti kung nakita ang pagbagsak ng sariwang butil sa kanyang mga mata kaya agad ko itong pinahid gamit ang aking kamay.
"Diego, paano kung matuklasan nilang niluko natin sila? Na malaman nila na hindi kita pinatay!? Paano? A-anong gagawin natin?" Ang saad niya pa.
"Hindi iyan mangyayare! Simula ngayon, magtiwala ka sa akin. Kaya huwag kang mangangamba dahil hindi nila malalaman ang totoo hanggat maingat tayo." Ang paliwanag ko pa.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata na para bang binabasa niya ang isipan ko.
"Trust me, my Bolivia." Ang seryusong sabi ko. Tumango siya at niyakap ako kaya niyakap ko na rin siya.
Ayukong maramdaman niya ulit ang takot na bumalot sa kanyang pagkatao sa loob ng mahabang panahon. Gusto kong magtiwala siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ayukong maramdaman niyang nag-iisa lamang siya.

YOU ARE READING
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
ActionThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...